PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Senator Bong Revilla, gustong ibaba sa 56 ang edad ng senior citizen

Agree or disagree?
by Jojo Gabinete
Published Dec 8, 2022
bong revilla senate
Isinusulong ngayon ni Senator Bong Revilla ang panukalang batas na ibaba sa edad na 56 mula sa 60 para ituring na senior citizen ang mamamayang Pilipino, para mapakinabangan umano ang mga benepisyo tulad ng maagang pagreretiro sa trabaho, pagtanggap ng pensyon, at 20 percent discount sa mga pamasahe, gamot, at pagkain sa mga restawran.
PHOTO/S: Ramon Revilla Jr. Facebook

Sari-sari ang mga reaksiyon sa bagong panukalang batas na isinusulong ng action star at senador na si Ramon "Bong" Revilla, ang Senate Bill No.1573 o Republic Act No.7432.

Ang pangunahing layunin nito ay ibaba sa edad na 56, mula sa 60, para ituring na senior citizen ang mamamayang Pilipino. Ito raw ay para mapakinabangan ang mga benepisyo tulad ng maagang pagreretiro sa trabaho, pagtanggap ng pensyon, at 20 percent discount sa mga pamasahe, gamot, at pagkain sa mga restawran.

Ikinatuwa ito ng iba, pero may ilan ding negatibo ang reaksiyon dito.

Ipinaliwanag ni Revilla na nais nitong ibaba sa 56 ang edad ng mga ituturing na senior citizen dahil sa datos ng Department of Health (DOH) ngayong December 2022, 7.33% ang kaso ng mga senior citizen na tinamaan ng COVID-19 ang humantong sa kamatayan, kumpara sa 0.76% ng nagkaroon ng nabanggit na karamdaman na 18 hanggang 59 ang edad.

Pahayag niya, “Simula’t sapul, ang hangarin ko bilang halal na lingkod-bayan ay matulungan at mapagaan ang buhay ng bawat Pilipino, lalo na ang mga kabilang sa sektor na madalas ay naisasantabi na lamang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Isa na dito ang ating mga lolo at lola. Silang mga buong buhay na nagsumikap, nagtrabaho para sa kanilang pamilya at nag-aambag sa paglago ng ekonomiya.

“Nararapat lamang na ibaba natin ang edad para maging senior citizen ang ating mga nakakatandang kababayan.

“Sa panahon ngayon, lalo na at nagkapandemya, madami ang hindi pinalad umabot sa edad na sisenta.

"Sabi nga e, aanhin pa ang damo kung wala na ang kabayo kaya habang may oras pa eh bigyan natin sila ng halaga sa pamamagitan ng maagang benepisyo na kanila pang pakikinabangan.

“Tandaan natin na ang mga kamay nila ang humubog kung ano man ang magandang tinatamasa natin ngayon.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isinusulong ngayon ni Senator Bong Revilla ang panukalang batas na ibaba sa edad na 56 mula sa 60 para ituring na senior citizen ang mamamayang Pilipino, para mapakinabangan umano ang mga benepisyo tulad ng maagang pagreretiro sa trabaho, pagtanggap ng pensyon, at 20 percent discount sa mga pamasahe, gamot, at pagkain sa mga restawran.
PHOTO/S: Ramon Revilla Jr. Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results