Senator Bong Revilla, sumailalim sa tatlong operasyon ngayong taon

by PEP Troika
Sep 17, 2022
bong revilla speech
Senator Bong Revilla remain hopeful about the local film industry: “Napakasuwerte ng industriya natin ano, dahil we have… nandiyan si Robin Padilla, nandiyan si Lito Lapid, nandiyan ako, nandiyan si Jinggoy Estrada, nandiyan ang kapatid ng ating Pangulo, si Imee Marcos, na she’s very supportive sa movie industry. Kaya lahat ng mga iyan, kaya nating gawin. Binanggit naman ng Pangulo iyan, hindi niya pababayaan ang industriya natin. Unti-unti tayong babangon."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Sa September 25 pa ang ika-56 kaarawan ni Senator Bong Revilla, pero maaga pa lang ay sinimulan na niya ang celebration sa bayan ng Bacoor, Cavite.

Nagkaroon siya ng medical mission sa ilang barangay ng Bacoor at ang taun-taon niyang ginagawang blood letting program na ginanap sa Strike Gym sa Bacoor City Hall, Biyernes ng umaga, September 16.

bong revilla birthday cake

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Unang nakatsikahan ng PEP Troika ang misis ni Senator Bong na si Bacoor Representative Lani Mercado, at ang birthday wish niya sa kanyang asawa ay para sa kalusugan nito.

“Bale thanksgiving na rin ito sa amin, dahil kung nalalaman ninyo, August pa lang, merong karamdaman ang aking cute na asawa.

“Actually, July pa lang, may mga nararamdaman siya. He underwent three operations, kaya ito ay thanksgiving at giving forward na rin,” sabi ni Cong. Lani.

Napag-alamang nagkaroon ng problema sa kanyang kidney si Senator Bong.

Hindi ko lang alam kung ano ang tamang term na ginawa sa mata niya, pero natanggal na raw ang cataract nito.

Ayon naman kay Senator Bong, “Yung sa health ko, naayos na yung dapat ayusin, e. Unang-una, yung cataract sa mata ko, okay na siya, 20-20 vision. Nababasa ko na yung mga maliliit na letra na 'yan.”

Tinanggal na rin ang gall stones niya, na ang isa sa mga dahilan pala ay ang sobrang pagbubuhat niya sa kanyang workout. Hindi raw maganda yun kaya ilang linggo ring pinagpahinga muna siya sa pagdyi-gym.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ng actor-politician, “At least, I’m doing okay now. Maraming mga kumbaga pinagdaanan, pero at least I’m okay.

“I’m trying to recover na. Sabi ng doktor, puwede na akong magbuhat. Kaya medyo tumaba nga ako ng konti, e.

“It doesn’t mean na pag ikaw ay todong fit, you’re okay. Kailangan pa rin ng checkup regularly. Kaya yun ay gusto ko ring ma-share sa mga kababayan natin na it doesn’t mean you’re super fit, pero dapat tingnan mo pa rin ang health mo.”

Dahil fit na siya, in-allow siyang mag-donate ng kanyang dugo sa blood letting program na Dugong Alay, Pandugtong Buhay na mahigit dalawang dekada na niyang proyekto sa Cavite.

Mahigit 400ml ng dugo ang nakuha sa kanya, at masaya siya dahil makakasalba raw ng buhay ang dugo niyang inalay.

bong revilla blood letting

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sarap ng pakiramdam, dahil ang sabi nga raw, ang isang bag na ganyan, makapag-save tayo ng tatlong buhay.

“Kaya yung buhay, maraming makasalba. Sana makarami tayo ngayon ng dugo,” sabi ni Senator Bong.

JERRY OLEA

Sa mismong kaarawan ni Senator Bong sa September 25 ay mamimigay uli siya ng papremyo sa mga mamamayan.

Isang kotse, sampung motorsiklo, laptops, iPads at cash prizes ang ipamimigay niya sa kanyang pasabog sa birthday na pinamagatang "Alyas Pogi Giveaway."

Sa mga interesadong sumali, puwede ninyong i-check sa kanyang Facebook account kung paano makasali.

Pero bakit Alyas Pogi na ang title nito? Ito na ba ang susunod niyang gawin?

“Basta magkakaroon kami ng Alyas Pogi. Abangan niyo na lang,” napapangiting pakli ni Senator Bong.

Baka simulan daw muli ng Imus Productions ang paggawa ng pelikula. Ang TV show sa GMA-7 ay malamang na next year pa. Pero gusto niyang makatulong na makabangon muli ang ating movie industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Senator Bong, “Yun ang inaayos namin ngayon, ang pagtulong sa industriya ng pelikula. Kailangang ituloy ulit ng pamilya yung Imus Productions.

“Unti-unti namang pumi-pick up ang movie industry, e. Inaayos na namin yung movie. Kasi, iba pa rin yung experience kapag nasa sinehan ka.”

Naniniwala siyang susuportahan ng administrasyon ni President Ferdinand Marcos Jr. ang ating entertainment industry dahil ipinangako raw ito ni ng Pangulo sa SONA.

Sabi ng senador, “Napakasuwerte ng industriya natin ano, dahil we have… nandiyan si Robin Padilla, nandiyan si Lito Lapid, nandiyan ako, nandiyan si Jinggoy Estrada, nandiyan ang kapatid ng ating Pangulo, si Imee Marcos, na she’s very supportive sa movie industry.

“Kaya lahat ng mga iyan, kaya nating gawin. Binanggit naman ng Pangulo iyan, hindi niya pababayaan ang industriya natin. Unti-unti tayong babangon.

“We’re not going to allow na ganyan lang tayo, na nasa baba lang ang industriya. Sayang ang ating movie industry, even the television.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I think the network, kailangan ding mag-improve sila. Huwag silang… porke’t walang kalaban, hindi mo pagagandahin ang proyekto mo. Dapat yung standard… dapat yung proyekto natin, magaganda.”

NOEL FERRER

Tuwing sumasapit ang ating karaawan, parang may udyok talaga sa ating bigyan na ng kabuluhan ang ating existence.

Kaya kudos kay Senator Bong Revilla sa kanyang initiative na makalikom ng dugo para sa mga nangangailangan.

Balitang umabot ng 225 ang nakapag-donate ng dugo sa Dugong Alay, Pandugtong Buhay kahapon.

I’m sure, marami pang ibang matutulungan si Senator Bong habang papalapit ang kanyang kaarawan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Bong Revilla remain hopeful about the local film industry: “Napakasuwerte ng industriya natin ano, dahil we have… nandiyan si Robin Padilla, nandiyan si Lito Lapid, nandiyan ako, nandiyan si Jinggoy Estrada, nandiyan ang kapatid ng ating Pangulo, si Imee Marcos, na she’s very supportive sa movie industry. Kaya lahat ng mga iyan, kaya nating gawin. Binanggit naman ng Pangulo iyan, hindi niya pababayaan ang industriya natin. Unti-unti tayong babangon."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results