PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Monarch, starring Inigo Pascual, cancelled at Fox

Piolo Pascual, wala nang chance gumanap na ama ni Inigo sa Monarch.
by Jojo Gabinete
Published Dec 9, 2022
inigo pascual monarch
Fox Entertainment Studios has decided to cancel "Monarch" after its first season. Filipino singer-actor Inigo Pascual (center) is one of the cast members.
PHOTO/S: @monarchfox on Instagram

Malabo ang posibilidad na gumanap si Piolo Pascual bilang ama ng kanyang anak na si Inigo Pascual sa Monarch, ang American musical-drama series na unang produksiyon ng Fox Entertainment Studios.

Ito ay dahil hindi na magkakaroon ng Season 2 ang Monarch.

Si Inigo ang gumanap na Ace Grayson at adopted grandson ni Dottie Cantrell (Academy-Award winner Susan Sarandon) sa Monarch na napanood sa Fox.

Read: Inigo Pascual receives sweet birthday message from "Monarch" co-star Susan Sarandon

Noong September 11, 2022 ang pilot telecast ng programa na may episode title na "Stop at Nothing." Nagwakas ito noong December 6, 2022.

Read: "Monarch" star Inigo Pascual on meeting Hollywood celebs: "Kalma lang, di ka pwede fanboy dito."

Ang mababang ratings at viewership ng Monarch ang mga dahilan kaya nagpasya ang Fox na huwag nang magkaroon ng Season 2 ang kauna-unahang Hollywood project ni Inigo.

Mahigit sa apat na milyon (4.03) ang mga sumubaybay at 0.9% ang ratings na nakuha ng initial telecast ng Monarch noong September 11. Pero bumaba at nabawasan ang viewers nito sa mga sumunod na episodes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"The Last Dance" ang pamagat ng huling kabanata ng Monarch noong December 6. 1.59 million na lamang ang nanood nito, at 0.2% ang rating na sobrang baba para sa isang season-ender episode.

Ito ang naging basehan ng Fox para huwag nang sundan pa ang Season 1.

Lumutang noon ang mga haka-hakang may posibilidad na makasama si Piolo sa cast ng Season 2 ng Monarch dahil sa pahayag ni Inigo sa panayam sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Inigo, “Nabanggit ko yan actually sa writer namin. Isang beses, nagtsa-chat kami, nag-uusap kami sa set, tapos sabi ko, 'What if tatay ko na lang yung tatay ko sa show kapag biglang sumikat yung karakter ko sa show, naging singer, tapos hinanap siya ng tatay niya? Ipapakilala pa niya?’

“That would be kinda interesting and I never acted alongside with my dad. So, I mean, my dad, I think would be perfect for that and I would love to see my dad in a Hollywood film. That will be a dream come true for me as well.”

May reaksiyon si Piolo sa pahayag ni Inigo dahil sa isang interbyu, nabanggit niya ang mga sinabi ng anak nang magkausap sila tungkol sa posibilidad na siya ang gumanap na tunay na ama ng karakter ni Ace Grayson sa Monarch.

Aniya, "I just told him that we'll cross the bridge when we get there. There is no word yet if there will be a Season 2. I should say that acting in Hollywood is already a different ball game.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Piolo Pascual, ipinagmamalaki ang anak na si Inigo na na-penetrate ang Hollywood

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fox Entertainment Studios has decided to cancel "Monarch" after its first season. Filipino singer-actor Inigo Pascual (center) is one of the cast members.
PHOTO/S: @monarchfox on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results