Nasaktan man si Jake Cuenca sa pagwawakas ng tatlong taong relasyon nila ni Kylie Verzosa, nagkaroon ito ng positibong resulta dahil lalong naging malapit ang aktor sa kanyang pamilya.
Read: Jake Cuenca confirms breakup with Kylie Verzosa
Ikinuwento ni Jake sa media conference ng My Father, Myself na ang kanyang ina ang naging sandigan niya sa panahong malungkot siya dahil sa paghihiwalay nila ni Kylie.
Lahad ng aktor, “Itong mga nakaraang buwan, nanay ko talaga ang umaalalay sa akin. Pinulot niya talaga ako sa sahig, pinush niya ako na pumunta sa set, ‘Kaya mo yan!’
“Lahat na ginawa ng nanay ko, so gusto kong bumawi sa nanay ko, sa pamilya ko, kasi pinakisamahan nila ako this whole process. Naniwala talaga sila sa akin.
“Ang daming nawala pero ang pamilya ko, nandiyan pa rin. Naniniwala sa akin at hindi nagbago ang tingin nila sa akin.”
Suportado rin ng pamilya ni Jake ang gay role niya sa My Father, Myself, na official entry sa 48th Metro Manila Film Festival (MMFF).
“Like I said, ang pamilya ko is not naman so liberated, pero they support me, even in a film like this,” sabi ni Jake.
May malaking gantimpala si Jake sa kanyang pamilya para sa darating na Pasko—ang sama-sama nilang pagbabakasyon sa Singapore.
Saad niya, “Gusto ko lang i-reward yung buong pamilya ko itong Pasko.
“Lilipad kami sa Singapore for the holidays, after ng Metro Manila Film Festival, ang kapatid ko, pamilya niya, mom ko, dad ko, sister ko. Whole family talaga.
“First time namin na lalabas ng bansa after the pandemic so excited kami.”
Inaasahang magiging visible si Jake sa showbiz sa darating na taon dahil sa maraming plano niya para sa kanyang acting career.
“Alam ko, ilang beses ko nang sinabi ito, pero kasi totoo naman na parang ang dami nang naglabas-pasok sa buhay ko, pero one thing remains constant, and that’s my career — that’s acting, my craft.
“Sabi ko, this time around, sa knowledge na meron ako, sa experience na meron ako, sa maturity na meron ako, next year, gusto ko pang gumawa ng ganito kadami,” pahayag ni Jake.