PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sec. Erwin Tulfo on Mon Tulfo's statement about his appointment

Mon Tulfo, pinagbibitiw na sa puwesto si DSWD Secretary Erwin Tulfo.
by Jojo Gabinete
Published Dec 16, 2022
mon tulfo erwin tulfo brothers
Mon Tulfo (left) to brother DSWD Secretary Erwin Tulfo (right): "Bumitiw ka na bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development... If they don’t appreciate what you’ve been doing at the DSWD, why stick to your post like a ship barnacle?"
PHOTO/S: Twitter / Facebook

"Itinakwil" ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary at former newscaster Erwin Tulfo ang mga pahayag ng kanyang nakatatandang kapatid na si Ramon Tulfo.

Ito ay kaugnay sa dalawang beses na hindi pagkumpirma ng Commission on Appointments sa ad interim appointment ni Erwin bilang kalihim ng DSWD.

“Whatever the statement of our brother, Ramon "Mon" Tulfo, in his Philippine Star column and Facebook page lately, does not reflect, nor share, my sentiment and that of the entire Tulfo family. His opinion and views are his alone,” paglilinaw ni Erwin tungkol sa panawagan ng kanyang kapatid na magbitiw na siya sa tungkulin dahil hindi inaprubahan ng Commission on Appointments (CA) ang pagtatalaga sa kanya ni President Ferdinand Marcos Jr. bilang kalihim ng DSWD.

Ang isyu tungkol sa citizenship ni Erwin at ang conviction niya sa apat na kaso ng libel ang mga dahilan kaya hindi ipinagkaloob ng CA ang kanyang pinakamimithi ng kumpirmasyon sa appointment niya bilang DSWD Secretary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero iba ang paniniwala ng kanyang Kuya Mon, na walang pakundangan na inalipusta ang mga miyembro ng CA at tinawag na isang "weakling president" si Marcos Jr.

Ginamit ni Mon ang kanyang official Facebook page para iparating at ipadama sa kanyang nakababatang kapatid ang haplos at hagupit ng pagmamahal niya.

Ayon kay Mon, “Ang mensaheng ito ay para sa aking mahal na kapatid na si Erwin:

“Tits, bumitiw ka na bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“Way hinungdan nga mudugay ka pa diha sa imong puwesto. Way mga utang na kabubut-on ang mga yawa. [Wala nang dahilan upang magtagal ka pa diyan sa iyong puwesto. Wala silang mga utang na loob, mga dem*ny*].

“If they don’t appreciate what you’ve been doing at the DSWD, why stick to your post like a ship barnacle?

“The Commission on Appointments, which has rejected your appointment twice, is composed of simpletons who have their own selfish interests.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Natatandaan mo ang ginawa ng CA kay Gina Lopez, who was a rabid protector of the environment?

“Ibinasura ng mga b*w*k*-ng-in*ng mga miyembro ng CA ang pagkatalaga ni Gina bilang Environment and Natural Resources secretary dahil sa kanyang anti-mining advocacy.

“Marami kasi sa miyembro ng CA at isang Cabinet secretary noon ni Digong ay mga may-ari ng mining companies, kaibigan ng mga may-ari ng mga minahan o bayaran ng mga minero.

“Anong nangyari sa pagpapatalsik nila kay Gina Lopez? Ang ipinalit nila ay may kamag-anak na kumolekta ng malalaking halaga sa mga mining companies.

“Nasira tuloy ang ating kalikasan. Pero walang pakialam ang mga miyembro ng CA dahil ang pinoprotektahan nila ay kanilang sariling kapakanan at hindi ang bayan.

“Huwag kang pumayag ng horse-trading o yung “scratch my back, I’ll scratch yours” na paraan upang ikaw ay ma-confirm.

“Maraming hihingin ang mga t*ng*ng*t na yan upang aprubahan nila ang appointment mo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Mga halimbawa: 'Ipaparada' nila ang kanilang pork barrel sa DSWD upang kokolektahin nila pagdating ng araw. O kaya ay hihingin nila na ipasok mo ang kanilang tauhan sa DSWD.

“Huwag pumayag sa mga hihingin nila."

Patuloy ni Mon: “Isa pang dahilan, Erwin:

“Ang hagupit kay Raffy at pantal sa iyo. Gusto nilang magantihan si Raffy dahil sa kanyang mga expose sa Senado. Marami kasing tinatamaan si Raffy sa kanyang mga pagbubunyag sa mga katiwalian sa gobiyerno. Ikaw, Erwin, ang pinaparusahan ng mga ug*k dahil kay Raffy.

“Huwag mong sayangin ang oras sa pagsasagot sa mga stupid accusations about the US citizenship that you have already renounced at saka yung libel conviction.

“Kelan pa naging offense of moral turpitude ang libel? Di naman yan robbery, theft, rape, estafa. Ang libel ay karaniwang kaso ng isang journalist. It’s work-related. Putong ama, mga b*b* yang mga nagsasabi na ang libel ay 'moral turpitude!' Di ba sila marunong ng English?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Turpitude is defined as depravity. Kelan pa naging depraved ang isang libel kahit na ito’y mapapatunayan man sa korte? Baka di nila alam ang katagang 'depraved.'

“Erwin, kung talagang gusto ni Pangulong Bongbong na kailangan ka niya, gagawa siya na anumang paraan na mapanatili ka sa puwesto.

“Pero mukhang mahina si Bongbong sa diskarte. Tama si Digong sa kanyang sinabi noon na si Bongbong ay isang 'weakling.'

“Do you want to continue working for a weakling president?”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mon Tulfo (left) to brother DSWD Secretary Erwin Tulfo (right): "Bumitiw ka na bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development... If they don’t appreciate what you’ve been doing at the DSWD, why stick to your post like a ship barnacle?"
PHOTO/S: Twitter / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results