Dasal para kay Pope Emeritus Benedict XVI ang hiniling ni Pope Francis sa pagtatapos ng pagharap niya sa General Audience na naganap sa Vatican City ngayong Miyerkules, December 28, 2022.
Ito ay dahil sa lumulubhang kundisyon ng kalusugan ni Pope Benedict XVI na nagbitiw sa tungkulin nito noong February 28, 2013.
"I would like to ask you all for a special prayer for Pope Emeritus Benedict, who in silence is supporting the Church.
"Remember him — he is very ill — asking the Lord to console him, and sustain him in this witness of love for the Church, until the end," hiling ni Pope Francis sa lahat.
Kinumpirma ni Matteo Bruni, director ng Holy See Press Office, ang kalagayan ng Pope Emeritus na pinalala ng edad nitong 95.
Bumuhos ang mga panalangin para kay Pope Emeritus Benedict, na piniling manirahan nang permanente sa Mater Ecclesiae buhat nang bumaba siya sa puwesto bilang lider ng Iglesia Katolika dahil hindi na niya magampanan ang mga tungkulin.
Si Pope Francis ang humalili sa kanya noong March 13, 2013.
Tinalakay sa biographical drama movie na The Two Popes, na ipinalabas sa Netflix noong December 2019, ang relasyon nina Pope Emeritus Benedict XVI at Jorge Mario Cardinal Bergoglio (Pope Francis) bilang mga alagad ng simbahan.
Si Pope Benedict XVI ang kumumbinsi kay Cardinal Bergoglio na huwag nitong ituloy ang planong magbitiw bilang Archbishop dahil sa balak niyang talikuran ang pagiging Papa.
Si Anthony Hopkins ang gumanap na Pope Benedict VXI at si Jonathan Pryce ang nagbigay-buhay sa katauhan ni Pope Francis.

Jonathan Pryce (left) and Anthony Hopkins in a scene from The Two Popes
Kapwa nagkaroon ng nominasyon sina Jonathan Pryce at Anthony Hopkins sa kategoryang best actor at best supporting actor, respectively, sa 92nd Academy Awards noong February 2020 dahil sa kanilang mahusay na pagganap sa The Two Popes.