PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jack Enrile's side of the story on Alfie Anido's death

“I had nothing, absolutely nothing to do with the death of Alfie Anido.”
by Jojo Gabinete
Published Dec 31, 2022
Jack Enrile
Alfie Anido
Nilinaw ni former Cagayan representative Jack Enrile (left) na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ng artistang si Alfie Anido (right) noong 1981. Kasintahan noon ni Alfie ang nakababatang kapatid ni Jack na si Katrina Ponce Enrile.
PHOTO/S: Screen grab from ANC YouTube channel/Regal Films

Ang pangalan ni Juan "Jack" Ponce Enrile Jr. ang madalas na nababanggit sa pagkamatay ng matinee idol na si Alfie Anido noong December 30, 1981.

Si Jack ang anak ni Juan Ponce Enrile, ang Defense Minister ng administrasyon ng diktador at dating pangulong si Ferdinand Marcos noong 1981, at siya ang inaakusahang pumatay kay Alfie.

Ito ay kahit sinabi ng Makati Police na pagpapatiwakal sa pamamagitan ng pagbabaril sa sarili gamit ang .38 caliber revolver ang dahilan ng pagpanaw ng 22-year-old actor sa mismong kaarawan nito.

Itinanggi at itinuwid ni Enrile Sr. sa autobiography nito ang paratang kay Jack, na kilala noon sa tawag na Jackie, at ganito rin ang ginawa ni Katrina, ang anak niya na kasintahan ni Alfie nang wakasan nito ang sariling buhay.

Malaking balita sa Pilipinas noong December 1981 hanggang sa mga sumunod na buwan ang pagkamatay ni Alfie at ang pagsasangkot kay Jack sa kontrobersiyal na insidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong December 2012, muling itinanggi ni Jack ang paratang laban sa kanya nang makapanayam siya ni Lynda Jumilla sa isang programa ng ANC.

“I had nothing, absolutely nothing to do with the death of Alfie Anido,” ang siguradong-sigurado sa sariling pahayag ni Jack na kasama sa isang hapunan noon si Gringo Honasan, ang chief security security officer ng kanyang pamilya nang mangyari ang trahedya.

“I remember having responded to a radio message from the chief of security of our family, Colonel Honasan, who I was with for dinner [at a restaurant] close to the now Dusit Hotel.

"It was just sort of a call, that there was something going on in the house of Alfie Anido and he [Honasan] wanted to go and see and check it out for himself because Katrina was there.

"Since I was here on vacation, I decided, 'I'll join you,' and I wanted to see what's going on with my sister,” ang kuwento ni Jack na detalyadong ibinahagi ang mga eksena na kanyang nasaksihan nang dumating siya sa tahanan ng mga magulang ni Alfie sa Bel-Air Village, Makati City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Upon reaching the house of Alfie, I remember the lights were all on, the door was open and I was looking for Katrina and suddenly while I was approaching the door, I heard my sister crying, very distraught, and I saw one of the sisters of Alfie and my sister and she just started to point [upstairs].

"I went upstairs and when I looked into the room of Alfie Anido, I saw a gun on the floor and the effects of what had happened.

"It was an unfortunate thing, but I guess curiosity got the best of me and I was placed in that position and I was at the wrong place at the wrong time and having had the reputation that I had already, it was just natural conclusion for people to think that way.

"But I have my own kids and I can honestly say that their father had never done something as such as people claim," ang paglilinaw at depensa ni Jack sa sarili.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ginunita kahapon, December 30, ang ika-41 na anibersaryo ng kamatayan at ika-63 kaarawan ni Alfie kaya naglabas ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ng artikulo tungkol sa pangyayari na gumulantang noong 1981 sa mamamayang Pilipino dahil mga kilalang personalidad sa showbiz at pulitika ang sangkot.

Bahagi na ngayon ng isa mga hindi makalilimutang kasaysayan sa Philippine showbiz ang pagkamatay ni Alfie na hindi inaasahang muling pumukaw sa interes ng mga Pilipino, kahit apatnapu’t isang taon na ang nakalilipas.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nilinaw ni former Cagayan representative Jack Enrile (left) na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ng artistang si Alfie Anido (right) noong 1981. Kasintahan noon ni Alfie ang nakababatang kapatid ni Jack na si Katrina Ponce Enrile.
PHOTO/S: Screen grab from ANC YouTube channel/Regal Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results