Ngayong Miyerkules, January 4, 2023, ang ika-46 kaarawan ni Vhong Navarro.
Kahit hindi pa siya bumabalik sa It’s Showtime, hindi nakalimot sa pagbati sa kanya ang mga kasamahan niya sa noontime program ng Kapamilya Channel at TV5.
Pinangunahan ni Ogie Alcasid ang pagbati kay Vhong ng maligayang kaarawan sa kanilang co-host na halos apat na buwan nang hindi napapanood sa It’s Showtime.
Ilan sa mga mensahe ng It's Showtime hosts para kay Vhong:
“Miss na miss na po namin dito sa Showtime na nagse-celebrate ng espesyal na araw niya today kaya naman lubos naming binabati ng isang maligayang-maligayang kaarawan ang pinakamamahal namin Pareng Vhong Navarro!”
“We love you, we miss you at balik ka na!”
Ang malampasan naman ni Vhong ang lahat ng mga pagsubok ang hiling ng mga dating kasamahan niya sa Streetboys at ng mga tagahangang patuloy na sumusuporta at nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob.
Read: Vhong Navarro reunites with Streetboys members after his release
Walang katiyakan kung kailan magbabalik si Vhong sa It’s Showtime.
Mula nang payagan siyang magpiyansa ng isang milyong piso para sa pansamantalang kalayaan niya — na may kaugnayan pa rin sa rape case na isinampa ni Deniece Cornejo noong January 2014 — mas pinili ng TV host-comedian na huwag munang lumabas sa telebisyon para magkasama-sama sila ng kanyang pamilya kaya masayang-masaya ang pagdiriwang nila ng Pasko at Bagong Taon.
Read: Vhong Navarro celebrates Christmas with family weeks after posting one-million-peso bail
Para sa kanyang ika-46 kaarawan, ang muling makapiling ang pamilya niya ang natatanging birthday wish ni Vhong. Natupad ito ngayon kaya wala na siyang ibang hinihiling pa.
More Hot Stories From PEP: