PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Valentine concert nina Lovi, Edgar, Tirso, at Christopher

Christopher, Tirso, Edgar reunite in a pre-Valentine concert.
by Jojo Gabinete
Published Jan 11, 2023
lovi poe valentine concert
Actress-singer Lovi Poe will perform with showbiz icons Christopher de Leon, Tirso Cruz III, and Edgar Mortiz in Some Kind of Valentine, a two-night pre-Valentine concert on February 3 and 4, 2023.

Si Lovi Poe ang special guest sa Some Kind of Valentine, ang pre-Valentine concert nina Christopher de Leon, Edgar Mortiz, at Tirso Cruz III.

Ang pagkanta ang first love ni Lovi.

Una siyang ipinakilala sa showbiz noong 2006 bilang recording star kaya ang guesting niya sa Some Kind of Valentine ang muling magpapaalala na isa siyang singer.

“Yung songs na napili nilang kantahin, talagang ever since, I’ve been listening to that kind of music,” sabi ni Lovi sa press conference ng Some Kind of Valentine ngayong Miyerkules, January 11, 2023.

Kasunod nito, nangako si Lovi na maraming "pasabog" ang ipakikita nila kaya hindi sila basta mapapanood na kumakanta at nakatayo lamang sa stage.

“I will be performing, of course, with Sir Christopher, Sir Tirso, Sir Edgar, so we’ll doing songs altogether, duets ng isa-isa. Nag-rehearse na kami. It was good,” pahayag ni Lovi.

Itinuturing na karangalan ng aktres na makasama sa isang concert ang mga aktor na itinuturing na icons sa Philippine entertainment industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Puring-puri naman ni Edgar ang singing voice ni Lovi. Bagay na bagay raw sa aktres ang mga aawitin nito sa kanilang concert.

Saad niya, “Mag-e-enjoy kayo dahil nandito si Lovi, tapos yung fans namin, siguro madami pa sila o yung iba, huhukayin namin para mapanood yung show. I’m sure, mag-e-enjoy sila.

“Yung klase ng songs na kinakanta namin, bagay na bagay kay Lovi.

“Siguro nung sumikat ang mga kantang ito, wala pa siya sa mundo. Pero kapag kinakanta niya, ang tingin ko, bagay na bagay pala sa kanya, so natutuwa ako.”

Muling mapapanood si Edgar sa isang Valentine show makalipas ang tatlong dekada.

“Huling Valentine show na ginawa ko, Bad Bananas pa kami. In-introduce namin sina Zsa Zsa Padilla at Pops Fernandez.

“Parang thirty years ago yung huling Valentine show namin,” pagbabalik-tanaw ni Edgar.

Kilala si Edgar bilang direktor ng mga sitcom, pero lingid sa kaalaman ng bagong henerasyon, isa siyang magaling na mang-aawit at matagal naging champion ng singing competition na Tawag ng Tanghalan noong 1968.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dalawang gabi itatanghal ang Some Kind of Valentine, sa February 3 at February 4, 2023, sa New Performing Arts Theater ng Resorts World Manila, Pasay City.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress-singer Lovi Poe will perform with showbiz icons Christopher de Leon, Tirso Cruz III, and Edgar Mortiz in Some Kind of Valentine, a two-night pre-Valentine concert on February 3 and 4, 2023.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results