Miss Universe 2022 sidelights: Harnaaz Sandhu, muntik mabuwal; Olivia Culpo, energetic na

by Jojo Gabinete
Jan 15, 2023
miss universe 2022 sidelights
Left photo: Harnaaz Sandhu during her farewell walk as Miss Universe 2021; right photos (clockwise) Olivia Culpo, Miss Norway Ida Anette Hauan, Miss Dominican Republic Andreina Martinez, and Catriona Gray.
PHOTO/S: Screen grab from Miss Universe

Nakuha ni Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu ang simpatiya ng publiko nang mapaluha siya sa kanyang farewell walk sa 71st Miss Universe na ginanap sa Ernest N. Morial Convention Center, New Orleans, Louisiana, USA, nitong Sabado ng gabi, January 14, 2023 (Lunes ng umaga, January 15, sa Pilipinas).

Muntik nang mabuwal si Harnaaz habang naglalakad sa entablado dahil nawalan siya ng balanse. Suspetsa ng karamihan, may kinalaman sa nangyari ang kanyang weight gain problem.

harnaaz sandhu farewell walk

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang eksena ni Harnaaz ang isa lamang sa mga sidelight sa 71st Miss Universe.

Hindi pulido ang pagtatanghal ng 71st Miss Universe dahil mali-mali ang pagtutok ng cameraman sa mga ipinakilalang miyembro ng selection committee na mortal sin sa mga live show, lalo na sa isang international beauty pageant.

Hindi nakasipot sa final show ng Miss Universe 2022 si Miss Norway Ida Anette Hauan na nagpositibo sa COVID-19. Nakapanlulumo at malungkot itong karanasan dahil nagkasakit ang beauty queen habang nasa New Orleans na siya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Higit na nakapanghihinayang ang nangyari kay Ida kesa kay Miss Universe 2022 second runner-up Andreina Martinez ng Dominican Republic. Hindi nakasali si Andreina sa 70th Miss Universe noong December 2021 dahil tinamaan siya ng COVID-19 bago lumipad sa Israel kaya pinalitan siya ng kanyang first runner-up na si Debbie Aflalo.

Blessing in disguise ang karanasan ni Martinez na pinili pa rin ng Miss Dominican Republic Organization na ipadala sa 71st Miss Universe kaya nakapaghanda siya nang husto at hinirang na second runner-up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinupuri ng mga Pilipino ang hosting skills ni Catriona Gray na isa sa mga backstage commentator ng 71st Miss Universe, pero hindi nakaligtas sa kanilang paningin ang nadagdagang timbang ng Miss Universe 2018 titleholder na hindi maipagkakaila na maligayang-maligaya sa pakikipagrelasyon kay Sam Milby.

Pinuna rin ng Pinoy beauty pageant fans ang pagiging masigla ni Miss Universe 2012 Olivia Culpo na umani ng mga batikos dahil sa kanyang walang kabuhay-buhay na hosting job sa 69th Miss Universe noong May 2021.

Tinupad ni Culpo ang pangako na magiging masigla siya bilang host ng 71st Miss Universe kaya marami ang humanga at natuwa sa kanyang ipinamalas na pagpupursigi.

Read: Olivia Culpo pokes fun at her "low energy" prior to hosting Miss Universe anew

Ikinatuwa ng mga Pilipino na nakasali sa Top 16 candidates si Miss Universe Spain Alicia Faubel, ang 26-year-old model na matatas sa pagsasalita ng Tagalog dahil sa ilang taong paninirahan niya sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sina Faubel at Miss Universe Bahrain Evlin Khalifa ang dalawa sa mga kandidata ng Miss Universe na nakipag-ugnayan kay Boy Abunda para sanayin sila sa pagsasalita at pagsagot sa question and answer.

Read: Miss Universe Bahrain 2022 calls her all-Filipino team “undoubtedly the best in pageantry”

Tumanggi si Boy dahil kasalukuyang nagaganap noon ang pakikipag-usap niya sa Miss Universe Organization na iniimbitahan siya para maging show commentator ng 71st Miss Universe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkakaroon ng conflict of interest kung pumayag si Boy na maging mentor nina Faubel at Khalifa. Pero sa huli, tinanggihan din niya ang alok ng ng Miss Universe Organization dahil sa mga paghahanda na kanyang gagawin para sa Fast Talk, ang kanyang showbiz-oriented talk show sa GMA-7 na magsisimula sa January 23, 2023.

Read: Boy Abunda, tinanggihan ang offer maging show commentator sa Miss Universe 2022

Pinagkalooban ng Social Impact Award si Miss Universe Thailand Anna Sueangam-iam kaya nabigyan ng sariling moment ang kanyang kababayan at Miss Universe Organization owner na si Anne Jakrajutatip.

Read: MUO owner Anne Jakrajutatip, di nakaligtas sa mga pamba-bash ng netizens

Miss Congeniality sina Miss Universe Chile Sofia Depassier at Miss Universe Malta Maxine Formosa, samantalang Spirit of Carnival Award recipient si Miss Universe Viktoria Apanasenko.

Binigyan ng pagpapahalaga ng Miss Universe Organization ang mga kontribusyon ni Miss USA 2019 Cheslie Krsyt na winakasan ang sariling buhay noong January 31, 2022 sa pamamagitan ng pagtalon mula sa high-rise New York apartment na tinitirhan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Miss USA 2019 Cheslie Kryst dies at 30

Dumalo sa 71st Miss Universe ang ina ni Cheslie na si April Simpkins. Nagsalita ito tungkol sa high-functioning depression na nagtulak sa kanyang anak para magpatiwakal.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Left photo: Harnaaz Sandhu during her farewell walk as Miss Universe 2021; right photos (clockwise) Olivia Culpo, Miss Norway Ida Anette Hauan, Miss Dominican Republic Andreina Martinez, and Catriona Gray.
PHOTO/S: Screen grab from Miss Universe
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results