Popular search ngayon sa social media si Kitty Duterte dahil sa kanyang physical transformation na tumatanggap ng mga papuri at iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.
Si Kitty ang bunsong anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ng partner nitong si Cielito "Honeylet" Avanceña.
Labindalawang (12) taong gulang lamang si Kitty nang manumpa bilang Pangulo ng Pilipinas ang kanyang ama noong June 30, 2016, kaya nasubaybayan ng publiko ang paglaki at pagdadalaga niya.
Read: Pangulong Rodrigo Duterte, winarningan ang lalaking ipinakilala ng bunsong anak na si Kitty
Noong Lunes, January 30, 2023, ginulat ni Kitty ang mga tao dahil sa kanyang viral video nang bumisita siya sa The Mindanao Basket, na naglabas ng video at mga litrato niya sa Facebook.
Halos hindi nakilala si Kitty dahil sa kanyang sultry vibe, seksing pangangatawan, at dalagang-dalagang hitsura.
May mga nagkomento na “from kitten to pussycat” ang pagbabago ng anyo niya.
Malinaw na makikita sa video at mga larawan ang mga tattoo niya sa katawan na tila tradisyon na sa kanyang pamilya.
May mga tattoo rin si dating Pangulong Duterte at ang mga kapatid ni Kitty sa ama na sina Vice President Sara Duterte, House Representative Paolo Duterte, at Davao City Mayor Baste Duterte.
Pinupuri ng karamihan ang self-improvement na ginawa ni Kitty.
May mga nagsasabi ring kung gugustuhin niya, puwedeng-puwede siyang pumasok sa showbiz dahil sa angking kagandahan na nagsimulang umusbong nang kanyang ipagdiwang ang ika-18 kaarawan noong April 10, 2022.
Read: Kitty Duterte celebrates 18th birthday in style