Hindi sinasadyang nadamay ang pangalan ni Nadine Lustre sa isyu sa pagitan nina Alex Gonzaga at Dina Bonnevie na nangyari noong 2011.
Ito ay dahil sa kuwento ng veteran actress sa live guesting nito sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes nang hapon, January 31, 2023.
Read: Dina Bonnevie details past confrontation with Alex Gonzaga
Trending ngayon sa social media ang pangalan nina Nadine, Alex, at Dina.

Si Nadine ang napagbalingan ng atensiyon ng publiko matapos ang rebelasyon ni Dina na nagalit si Alex kay Nadine sa set ng primetime series noon ng TV5 at Viva Television, ang P.S. I Love You.
“And then nagagalit siya kay Nadine kung nauunang umiyak si Nadine. Eksena daw niya yon,” pagsisiwalat ni Dina sa Fast Talk host na si Boy Abunda.
Si Alex ang lead actress sa TV adaptation ng 1981 movie nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta.
Hindi matanggap ng fans ni Nadine na ito ang napagbuntunan ng galit ni Alex sa dahilang mas nauunang umiyak si Nadine sa kanilang mga eksena.
Magkapatid ang mga karakter nina Alex at Nadine, samantalang si Dina ang gumanap na nanay nila. Si Alex ang kapatid na nakatatanda at si Nadine ang bunso.
Napanood ang P.S.I Love You sa TV5 mula November 21, 2011 hanggang February 17, 2012.
Noong mga panahong iyon, supporting at struggling actress pa lamang si Nadine.

Matapos ng rebelasyon ni Dina, masasakit at mapanghusgang mga salita ang natatanggap ngayon ni Alex mula sa mga tagasuporta ni Nadine dahil sila ang nasaktan para sa kanilang aktres na iniidolo:
“Bakit parang kasalanan pa ni Nadine Lustre na mas magaling siyang umiyak kaysa kay Alex Gonzaga sa mga eksena nila?"
“I urge y’all to re-air P.S. I Love You para mapanood natin kung versatile actress ba si Alex Gonzaga para mag-inarte sa set ng palabas na ‘yan? Also I want to see Nadine’s humble beginnings before her massive success…"
“Si Nadine, marami nang best actress award na nasungkit."
“The audacity to get mad at Nadine.”
"The nerve of this Alex Gonzaga girl to get mad at Nadine."
Pagdating naman sa paghihintay kay Alex sa set ng P.S. I Love You, hindi lamang daw sina Dina at Nadine ang nakaranas nito, dahil kasama rin sina Gabby at Cheska Iñigo sa mga nagreklamo, ayon kay Dina.
“There were other co-workers who were also getting irked about yung working habit niya or the way she was working with us.
“So, napag-usapan na ako ang spokesperson. Si Gabby, anyway nabanggit ko na, Gabby [ Concepcion], Cheska Iñigo, si Nadine Lustre.
“We were all together and nobody had the strength or the audacity to come up to her and talk to her. So, okay, ako ang magiging spokesperson,” lahad ni Dina sa Fast Talk na pinag-ugatan ng trending issue sa pagitan nina Alex at Nadine.