Ang kanyang anak na si Amarah ang Valentine’s date ni Cristine Reyes sa February 14, dahil ayon sa kanya, anim na taon na siyang “single mom” pero hindi niya nararamdaman.
“To be honest, hindi ko naman nararamdaman na single mom ako kasi I’m happy.
“I think ngayon ko naramdaman na masaya ako with everything. Ganoon siguro kapag kuntento ka na sa buhay mo. Wala kang hinahangad na masyadong mataas. Kuntento ka lang kung ano ang ibigay sa yo.
“I have a date with Amarah. We’ll go to a farm somewhere,” ang sabi ni Cristine nang makausap ito ng entertainment press sa muling pagpirma niya ng kontrata bilang talent ng Viva Artists Agency noong nakaraang Biyernes, February 10, 2023.
Nang tanungin kung walang nagyayaya sa kanya sa Valentine’s Day, sagot ni Cristine, “Feeling ko dapat mag-background check muna tayo sa lahat bago pa man."
Hindi man nakaranas ng trauma sa pakikipagrelasyon, naging maingat na si Cristine.
“Kapag iisipin ko yung nakaraan, preno muna. Hindi ko naman sasabihin na trauma. It’s just that I have learned my lesson not to force things.”
Noong February 5 ang 34th birthday ni Cristine samantalang noong February 8 ang 8th birthday ni Amarah.
Hindi nagkaroon si Cristine ng magarbong birthday celebration pero ang matatalik na kaibigan niya ang naghanda ng birthday salubong para sa kanya.
“Wala akong plano noong birthday ko pero I have so much friends na mahal na mahal ako and sila yung nag-celebrate ng birthday ko for me so nagsalubong kami.
“And then, si Amarah naman, I had work so nag-dinner kami and then she played with her friends somewhere in BGC.”
Ikinuwento pa ni Cristine ang tuta na birthday gift niya para sa sarili at sa kanyang anak.
“Share kami ni Amarah. Mahal [kasi].”
Mas pinahahalagahan ngayon ng aktres ang mga natutunan mula sa kanyang mga karanasan kaya kapuna-puna ang wisdom na ibinabahagi niya sa lahat.
“The things that… experiences in life, challenges, trials, losses, wins…I guess sa age, nag-mature talaga. You get a lot of learnings.
“I choose my battles wisely now. Anak ko nga sinasaway ako, wala akong maisagot. Actually, napapatahimik ako ng anak ko kapag nasa labas kami, ‘Mommy behave!’ ganoon siya.
“Now that I am more mature, mas appreciative with what I have, I see myself giving back in the future.
“ I’m not gonna say near future because it’s just in my head. I still have a lot of things to do bago ko gawin yung mga plano ko and you will know naman kung ano yung plano kasi eventually I wanna give back to aspiring actors.”