PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tinawag na "Sinungaling" ni Darryl Yap si Joel at Cherry Pie

Darryl Yap, may pahaging sa relasyon nina Cherry Pie Picache at Edu Manzano.
by Jojo Gabinete
Published Feb 20, 2023
darryl yap cherry pie picache joel lamangan
Darryl Yap (left) to Cherry Pie Picache and Joel Lamangan (right): "You know Direk Joel, Miss Cherry Pie, yung natitira ninyong panahon sa mundong ito, huwag nyong gamitin para magsinungaling. Mag-meeting kayong dalawa kung paano ninyo ipo-promote nang marangal ang pelikula ninyo because we are not using your names, we’re not mentioning your names in any presscon."
PHOTO/S: Instagram

Walang pakundangang tinawag na "sinungaling" ng controversial director na si Darryl Yap ang veteran filmmaker na si Joel Lamangan at ang award-winning actress na si Cherry Pie Picache.

Sa media conference ng pelikulang Martyr or Murderer ngayong Lunes ng gabi, February 20, 2023, hiningan ng mensahe si Darryl tungkol kina Joel at Cherry Pie kaugnay ng mga naging pahayag ng mga ito tungkol sa kanya.

Sa naganap na press conference ng Oras de Peligro noong February 12, sinabi ni Direk Joel na ang pelikula niyang magbubukas sa mga sinehan sa March 1 ang tinapatan ng Martyr or Murderer.

“Sila ang tumatapat, hindi kami. Ibig sabihin, napakaimportante ng pelikulang ito kaya nila tinatapatan at takot sila,” pahayag ni Direk Joel.

Read: Oras de Peligro, tinapatan ng isang pelikulang nagsasabi rin umano ng katotohanan

Nagsalita naman si Cherry Pie ng “May konsensiya pa ba siya?” nang tanungin sa press conference ng Oras de Peligro kung papayag siyang gumanap na Imelda Marcos sa isang pelikula na si Darryl ang direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Cherry Pie Picache, hindi tatanggap ng pelikula na si Darryl Yap ang direktor

Nang tanungin tungkol sa mensahe niya para kina Joel at Cherry Pie sa media conference ng Martyr or Murderer, nagpakawala ng matatalas na salita si Darryl laban sa direktor at sa pangunahing aktres ng Oras de Peligro.

Pahayag niya sa harap ng maraming entertainment press, “Hindi niyo ako puwedeng sipa-sipain na lang.

"Direk Joel, kaoopera mo lang nung December. Paulit-ulit ko yang sinasabi sa sarili ko para hindi humantong sa ganito, but you just don’t stop.

“Huwag kang magsinungaling na kami ang tumatapat sa yo. Ikaw ang tumapat sa amin.

"Kung hindi matanggap ng ego mo na isang gaya ko lang ang tatapatan mo, problema mo na yon.”

Hindi rin pinaligtas ni Darryl si Cherry Pie sa kanyang maaanghang na pananalita.

“Kung ako po sa inyo Miss Cherry Pie... nanood ako kanina ng Tanging Yaman kasi gustung-gusto ko siya doon para lang hindi ko siya pagsalitaan nang masakit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang kaibahan lang sa Tanging Yaman, hindi siya iniwan ni Edu [Manzano] doon. Asawa kasi siya ni Edu doon,” tila may kahulugang pahayag ni Darryl.

Litanya pa niya: “You know Direk Joel, Miss Cherry Pie, yung natitira ninyong panahon sa mundong ito, huwag niyong gamitin para magsinungaling.

“Mag-meeting kayong dalawa kung paano ninyo ipo-promote nang marangal ang pelikula ninyo because we are not using your names, we’re not mentioning your names in any presscon.

“Stop this jurassic form of promotion. That’s the only and the last statement that I will deliver.

“Don’t you dare malign my bosses, all the money that was produced here were all from hard work.

"Viva is not like that. Senator Imee is not like that."

Si Senator Imee Marcos ang creative and executive producer of Martyr or Murderer, kung saan si Cristine Reyes ang gumaganap sa kanyang role.

Read: Why Darryl Yap won't speak ill of Joel Lamangan

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon pa kay Darryl, “This is my ultimate statement and I’m not gonna repeat it.

"Huwag masyadong makapal ang mukha ninyo. This is the day of information technology. Lahat ng sasabihin ninyo, may record.

“For once, hindi kami ang tumatapat. Secondly, hindi kami natatakot sa inyo. Huwag kayong sinungaling!

“Kung nagsisinungaling kayo sa dahilan ng paggawa ninyo ng pelikula, paano maniniwala ang tao sa inyo na totoo ang naranasan niyo noong martial law? Now, I am doubting them.”

Ang martial law ay idineklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. noong September 21, 1972. Tumagal iyon hanggang January 17, 1981.

Bagamat 1981 ang official lifting ng martial law, nanatili ang mga Presidential Decrees ni Marcos hanggang 1986.

Mula 1972 hanggang 1981, ayon sa 1982 report ng Amnesty International, 70,000 katao ang ikinulong, 34,000 ang tinorture, at 3,240 ang pinatay sa Pilipinas.

Ang Amnesty International ay isang non-profit global movement ng mahigit 7 milyong kataong nangangampanya para sa isang mundo kunsaan ang human rights ay tinatamasa ng lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umupo sa puwesto bilang Presidente ng Pilipinas ang nakatatandang Marcos sa loob ng 21 taon.

Nabuwag ang administrasyong Marcos dahil sa makasaysayang EDSA Revolution o People Power noong February 22 to 25, 1986.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Darryl Yap (left) to Cherry Pie Picache and Joel Lamangan (right): "You know Direk Joel, Miss Cherry Pie, yung natitira ninyong panahon sa mundong ito, huwag nyong gamitin para magsinungaling. Mag-meeting kayong dalawa kung paano ninyo ipo-promote nang marangal ang pelikula ninyo because we are not using your names, we’re not mentioning your names in any presscon."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results