“I can make a man stay.”
Ito ang deklarasyon ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa isang interbyu noong November 2020, nang mapag-usapan ang anim na taong relasyon nila ng ex-boyfriend na si Neil Salvacion.
Read: Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo confirms six-year relationship with a nurse
“I can make my man return.”
Ito naman ang bagong deklarasyon ni Rabiya tungkol sa pagbabalikan nila ng aktor na si Jeric Gonzales.
Pero isang linggo lamang silang nagkahiwalay.
Taliwas ito sa mga akalang nagkabalikan ang dalawa nang magkita sila sa GMA Gala Night na ginanap sa Shangri-La The Fort noong July 30, 2022.
Read: Jeric Gonzales, tahimik lang sa balitang nagkabalikan sila ni Rabiya Mateo
Malaya nang nakakapagsalita si Rabiya tungkol sa relasyon nila ni Jeric buhat nang aminin ng Kapuso actor, sa pamamagitan ng isang Instagram post noong February 15, 2023, na nagmamahalan sila.
Read: Jeric Gonzales, kinumpirmang nagkabalikan sila ni Rabiya Mateo
Ikinagulat ni Rabiya ang hindi nito inaasahang social media post ni Jeric kaya napangiti siya nang itanong ng Cabinet Files ang kahalagahan sa kanya ng petsang February 15.
Saad ng beauty queen, “Nagulat din ako. Dati kasi tinatanong ako ni Jeric na parang binibiro niya ako, 'O, magpo-post na tayo.'
"Pero before that, may mga kumakalat na napi-picturan kami sa airport.
“Sabi ko, unlike dati, ‘Let’s not put pressure na lang siguro sa ano natin, na kailangan alam ng lahat, kasi wala naman perfect na relationship. At least, we’re trying. We’re striving and, at the end of the day, we would choose each other.' So, yun naman ang importante.”
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkuwento si Rabiya tungkol sa relasyon nila ni Jeric.
Kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto raw ni Rabiya na makatrabaho sa mga drama series si Jeric, na pinupuri niya nang husto ang kabaitan.
Aniya, “Oo naman po. Sabi ko nga kay Jeric, 'Kung may mga iyakan na scene, pumunta ka kaya? Paiyakin mo ako para hindi na ako mag-Katinko.’
“Joke lang, but he’s a nice guy. Super bait niya talaga. Hindi naman po ako mag-i-stay kung hindi siya mabait.”
Bukod sa pagiging mabait, nagustuhan ni Rabiya ang ugali ni Jeric na hindi nagpapaapekto sa mga intriga at madalas ay nagpapayo sa kanya na "chill" lang siya.
“Hindi po talaga siya nagpapaapekto sa mga intriga. Minsan ako pa ang nagsasabi na, ‘Okay lang ba sa yo? Bina-bash ako ngayon?’
“Sabi niya, ‘Anong bash? Anong bash?’ Pero alam niya. Kunwari lang, wala siyang alam.’
“Yun ang good thing kasi good influence siya sa akin. Ako po kasi dati yung praning na, ‘Oh my God. They don’t like me.’
“Ang feeling ko, wala na akong career, pero siya palagi yung ‘Chill ka lang!’”
Kabaligtaran naman si Jeric ng ina ni Rabiya na mabilis maapektuhan ng mga isyu, kaya pinapayuhan siya ng kanyang anak na huwag nang mag-aktibo sa social media.
“I would remind my Mom na, ‘Ma, huwag ka nang mag-social media.' Baka ma-stress siya. 'Pero babawi na lang po ako, Ma, magpapadala na lang po ako ng pera, mag-grocery na lang kayo!'” natatawang kuwento ni Rabiya tungkol sa nanay niya.
Nakausap ng PEP.ph si Rabiya tungkol sa relasyon nila ni Jeric sa renewal ng kontrata niya bilang ambassador at investor ng LVNA Jewelry noong Biyernes, February 24, 2023.
Ibinalita ni Rabiya na magkakaroon sila ng collaboration ng LVNA—ang Gold Hope collection—kung saan gagamitin nila ang mga kikitain para makatulong sa mga kababayang nangangailangan.
Ayon kay Rabiya, “Actually, noong December 2022, we started sa staff ng LVNA, yung puso talaga ng kompanya, yung mga gumagawa ng alahas namin.
"We want na mapalaki nang mapalaki yung charity work na yun.
"So, si Drake [Dustin Ibay, LVNA founder and CEO], iniisip niya how to give back to the community. And I’m happy na isa po ako sa mga ambassador na pinili niya to help him."
Kasama sa contract signing ni Rabiya si LVNA President Dannielle Ibay.

Sabi ni Danielle, “One of the nicest things about our Hope Collection in collaboration with Rabiya is, part of the sales will be given to LVNA's chosen charities. And given that Rabiya is one of the most down-to-earth persons I've ever met, this partnership will be perfect.”