PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tuviera Out, Jalosjos Kids In TAPE; TVJ Leaving?

Mga anak ni Romy Jalosjos, nakipag-meeting sa GMA-7 executives.
by Jojo Gabinete
Published Mar 3, 2023
eat bulaga hosts
Ang mga anak na ng dating congressman na si Romy Jalosjos na ang mga bagong namamahala ng Television and Productions Exponents (TAPE) Inc., ang producer ng Eat Bulaga, ang longest-running noontime show na pinangungunahan nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook

#EatBulagaWar

Nangyari ang pakikipag-usap ng mga anak ni former House Representative Romeo Jalosjos sa management ng GMA Network Inc. kahapon, March 2, 2023.

Ipinarating nilang sila na ang mga mamamahala sa Television and Productions Exponents (TAPE) Inc., ang producer ng Eat Bulaga, ang longest-running noontime show na pinangungunahan nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.

Kasama sa naganap na pagpupulong si Tony Tuviera, isa sa mga executive ng TAPE na matagal nang nagretiro pero patuloy na namamahala sa Eat Bulaga.

Sina Jalosjos at Tuviera ang mga nagmamay-ari sa TAPE Inc., pero mas malaki ang parte ng dating kongresista.

Ipinauubaya niya sa kanyang tatlong anak na sina Bullet, Jon, at Soraya ang pamamalakad sa noontime show na 43 years nang napapanood sa telebisyon.

Read: Did Tito Sotto just debunk "splitting" issue involving Eat Bulaga Dabarkads?

Inaasahang maglalabas ng opisyal na pahayag ang bagong pamunuan ng TAPE Inc. tungkol sa mga magaganap na pagbabago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ang tatapos sa mga haka-hakang iiwan na nina Tito, Vic, at Joey ang Eat Bulaga dahil sa loyalty nila kay Tuviera kapag nabawasan na ang kapangyarihan nito sa naturang kompanya at programa.

Inaasahan ding bibigyang linaw ng bagong management ng TAPE, Inc. ang balitang, diumano, hiniling nila sa mga empleyado na magbitiw sa tungkulin pero muling kukunin ang serbisyo ng mga karapat-dapat na bumalik sa trabaho.

Sa kabila ng mga isyu at kontrobersiya tungkol sa kahihinatnan ng Eat Bulaga sa kamay ng mga bagong mamamahala, tila nananatiling normal ang sitwasyon sa programa na live na napanood ngayong Biyernes ng tanghali, March 3.

Ipinagdiwang ni Vic Sotto at ng ibang mga host ang 28th birthday ni Maine Mendoza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang mga anak na ng dating congressman na si Romy Jalosjos na ang mga bagong namamahala ng Television and Productions Exponents (TAPE) Inc., ang producer ng Eat Bulaga, ang longest-running noontime show na pinangungunahan nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results