Nakabalik na si Gabbi Garcia sa Pilipinas mula sa shooting sa Switzerland ng Unbreak My Heart, ang romantic-drama series na tinatampukan nila nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, at Joshua Garcia.
Ang pagbabasbas at pormal na pagbubukas ng kanyang unang business venture kahapon, March 8, 2023, ang isa sa mga pinagkaabalahan ni Gabbi nang bumalik siya sa bansa.
Si Gabbi ang business partner ng hair expert na si Mark Anthony Rosales sa fourth branch ng Marqed Salon sa Bonifacio Global City, Taguig City.
Ito ang resulta ng kanilang matagal nang pagkakaibigan.
“Siyam na taon na kaming magkasama ni Gabbi at ever since naman, we’re like a team na kaya naging madali na nang magkaroon kami ng chance to have a business together.
“We started at the same time, we share the same milestones. We have been collaborating for nine years, and our relationship is not just a client relationship.
"Through the years, na-develop na siya into a family relationship," sabi ni Mark sa panayam sa kanya ng Cabinet Files ngayong Huwebes ng umaga, March 9, tungkol sa kasaysayan ng business partnership nila ni Gabbi.
Read: How Mark Anthony Rosales salon survives pandemic challenges faced by his business
Tumagal ng tatlong buwan ang konstruksiyon ng BGC branch ng salon ng magkaibigan.
Nang itanong namin ang halaga ng kanilang nagastos, natawa si Mark.
“Nahihiya po akong sabihin,” sabi niya.
Pero mabilis ang kanyang sagot tungkol sa magiging partisipasyon ni Gabbi sa kanilang itinayong negosyo.
“Gabbi is the face of BGC branch. She helps me also conceptualizing the salon,” ani Mark.
Eksperto si Mark sa buhok kaya siya ang “go-to person” nina Lovi Poe, Marco Gumabao, Khalil Ramos, Andrea Torres, at Barbie Forteza.