PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alfred Vargas, napatunayan ang "Nora Aunor magic"

Alfred Vargas, kinabahan sa pagsasama nila ni Nora Aunor.
by Jojo Gabinete
Published Mar 13, 2023
alfred vargas nora aunor pieta
Alfred Vargas on working with Nora Aunor: “National Artist ang katrabaho ko. First time ko na makakatrabaho ang National Artist na aktres... Sabi ko, 'This is my opportunity.' Ang mindset ko, hindi ko ito sasayangin. Instead of, 'Uy, grabe, na-starstruck ako.' After the first scene. Medyo okay na. Si Ate Guy naman, she will never make you feel na she’s a Superstar."
PHOTO/S: @alfredvargasofficial / @alixjr on Instagram

Napatunayan ni Alfred Vargas na totoo ang Nora Aunor magic nang kunan ang unang eksena nila sa Pieta, ang pelikulang pinagbibidahan nila mula sa direksyon ni Adolf Alix Jr.

Tampok din sa pelikula ang award-winning actors na sina Gina Alajar, Bembol Roco, at Jaclyn Jose.

Read: Alfred Vargas, proud sa casting coup para sa pelikulang Pieta

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Alfred, “May eksena kami, nagsasayaw kami. And cut! Dun ko unang na-experience ang Nora Aunor magic, nang panoorin ko sa monitor ang preview ng eksena.

“Grabe, yun ang Aunor magic, Ate Guy magic. Kapag ginagawa mo yung eksena, parang one hundred percent. Pero kapag pinanood mo sa screen, nagiging one hundred fifty percent.”

Patuloy niya, “Oo, napapanood ko siya sa movie before, pero nung makaeksena ko siya, ginagawa namin ang eksena, lights, camera, action… wow!

“Una, na-intimidate naman ako talaga. Kinabahan ako.

"Magpapakatotoo ako, kinabahan ako pero ang ginawa ko, nag-prepare ako. I read the script almost ten times.

“Aral ako nang aral. Basa lang ako nang basa tapos nakipag-usap ako kay Direk Adolf. Siya yung parang nag-workshop sa akin para sa role.

“Kapag nag-prepare ka, nakakabawas ng kaba. Memorized ko lahat ng lines ko pero yung mismong approach ko, mas nangibabaw yung excitement ko to work with Ate Guy then yung kaba."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon pa kay Alfred, “National Artist ang katrabaho ko. First time ko na makakatrabaho ang National Artist na aktres, kasi nakatrabaho ko na noon si Direk Eddie Romero.

“Sabi ko, 'This is my opportunity.' Ang mindset ko, hindi ko ito sasayangin. Instead of, 'Uy, grabe, na-starstruck ako.'

“After the first scene. Medyo okay na. Si Ate Guy naman, she will never make you feel na she’s a Superstar.

“Hindi niya ipaparamdam sa yo and that’s why, I guess, she’s the Superstar kasi she will never make you feel na Superstar siya kaya lalong bibilib sa kanya, yung humility niya.”

Ang yumaong direktor na si Eddie Romero ay iniluklok bilang National Artist for Film noong 2003.

Hindi lamang ang Aunor magic ang hinangaan ni Alfred dahil natuklasan din niyang mahilig magpatawa at malakas ang sense of humor ng aktres na kinikilala bilang nag-iisang Superstar ng Philippine Entertainment industry

Aniya, “Nagpagaan din sa akin yung sense of humor niya. Ang hilig pala niyang magbiro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Palabiro pala talaga siya kaya hindi ka magugulat na sa set ng isang drama movie, nagtatawanan yung director, actors.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alfred Vargas on working with Nora Aunor: “National Artist ang katrabaho ko. First time ko na makakatrabaho ang National Artist na aktres... Sabi ko, 'This is my opportunity.' Ang mindset ko, hindi ko ito sasayangin. Instead of, 'Uy, grabe, na-starstruck ako.' After the first scene. Medyo okay na. Si Ate Guy naman, she will never make you feel na she’s a Superstar."
PHOTO/S: @alfredvargasofficial / @alixjr on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results