PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sparkle artist gustong sundan Si Catriona

Shuvee Etrata, madalas ikinukumpara kay Maymay Entrata.
by Jojo Gabinete
Published Mar 24, 2023
shuvee etrata sparkle artist
Shuvee Etrata: “Ang dream ko talaga, maging Miss Universe, pero hindi naman palaging may pera doon kaya kahit ano, pinapasukan ko. Itutuloy ko ang plano kong sumali sa Miss Universe Philippines, five years from now. Kung next year ako sasali, 22 years old pa lang ako by then. Parang hindi pa ako hinog."
PHOTO/S: @shuveeetrata on Instagram

Makulay at punumpuno ng drama ang mga karanasan ng Sparkle GMA Artist Center talent na si Shuvee Etrata.

Interesado ang staff ng Magpakailanman na isadula sa telebisyon ang kuwento ng buhay niya noong naninirahan pa siya sa Bantayan Island, Cebu.

Panganay si Shuvee sa siyam na magkakapatid at parehong walang trabaho ang mga magulang niya.

Hindi malilimutan ni Shuvee ang petsang October 5, 2022 dahil ito ang araw na lumuwas siya sa Maynila para makipagsapalaran at kumita ng pera nang may mag-alok sa kanyang pumasok na artista sa GMA-7.

Lahad ng 21-year-old newbie sa Cabinet Files, “Bisaya po talaga ako. Na-discover po ako sa TikTok dahil content creator ako.One year ago, nag-viral ako sa TikTok, yun po ang simula ng lahat.

“Si Miss Joy Marcelo [Sparkle executive] po ang naka-discover sa akin. May kaibigan siya na tita ko na fan ng mga beauty pageant, so ang plan po talaga namin ay sumali sa Miss Universe Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Physical therapist student po ako sa Cebu Doctor’s University at nag-aaral pa nang makita ako ni Miss Joy. Sabi niya, ‘Mag-artista ka.’

“Sabi ko, parang hindi ko kaya ang mag-artista-artista dahil hindi ako marunong mag-acting. Sabi ko, i-try ko lang kasi masaya man.

"And then, it’s like to be a stepping stone for me to reach my dreams, to become Miss Universe.”

Desidido si Shuvee na sundan ang mga yapak ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Saad niya, “Na-inspire po ako kay Catriona Gray. Parang with her, everything is possible.

"Kapag nakikita ko siya, parang ang ganda niya lang. Ang sarap lang niyang tingnan.

"Si Miss Catriona ang talagang tumatak sa akin noong 2018.

“Kontesera po ako. Yun po ang trabaho ko sa amin, sideline po ba, noong bata pa ako.

"Raketera ako pero on and off po ang pagsali ko sa mga beauty pageant kasi naka-focus talaga ako sa Physical Therapy course ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pangarap kong maging Miss Universe pero gusto ko na meron akong course, meron akong career, meron akong degree. Yun po ang goal ko.

“Ang dream ko talaga, maging Miss Universe, pero hindi naman palaging may pera doon kaya kahit ano, pinapasukan ko.

“Itutuloy ko ang plano kong sumali sa Miss Universe Philippines, five years from now. Kung next year ako sasali, 22 years old pa lang ako by then. Parang hindi pa ako hinog.

“Isasantabi ko muna ang mga beauty pageant dahil dumarating ang mga teleserye project. Kahit ano po ang ibigay sa akin na opportunity, tatanggapin ko, magkapera lang.”

ON BEING COMPARED TO MAYMAY ENTRATA

Madalas ikinukumpara si Shuvee sa ABS-CBN star na si Maymay Entrata dahil pareho ang kanilang pagsasalita at magkatunog ang mga apelyido nila.

“Palagi akong ikinukumpara kay Maymay kasi Bisaya man din siya. Basta Bisaya, magaganda at saka ang apelyido niya, may letter n, sa akin Etrata lang,” paliwanag ni Shuvee.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Shuvee ay 5’6" ang taas, kayumanggi ang kulay ng balat, at Pilipinang-Pilipina ang mukha kaya ang mga katulad niya ang may malaking tsansang mapansin sa mga beauty pageant na ibang-iba sa kanyang karanasan noon sa probinsiya.

Ayon sa newbie actress, “Naranasan kong ma-bully sa probinsiya namin dahil sa kulay ko. Pero nang dumating ako sa Maynila, iba ang trato sa akin.

“Dito sa Maynila, parang kakaiba ako. Ako yung naiiba dahil uso po ngayon ang morena kaya kinuha pa ako ng Tourism Board of the Philippines.

“Nag-a-align ang lahat. Gusto kong maging Miss Universe pero nag-aartista ako, at dahil sa pag-aartista ko, kinuha ako ng Tourism Board of the Philippines.

“I am now working with them, dinadala nila ako sa Cebu, and I’m the one representing Cebu.”

Nagpapasalamat si Shuvee sa GMA-7 dahil binigyan siya ng regular show, ang Hearts on Ice, ang primetime program na malaking tulong sa kanyang pang-araw-araw na gastos at pamumuhay sa lungsod na dinayo niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shuvee Etrata: “Ang dream ko talaga, maging Miss Universe, pero hindi naman palaging may pera doon kaya kahit ano, pinapasukan ko. Itutuloy ko ang plano kong sumali sa Miss Universe Philippines, five years from now. Kung next year ako sasali, 22 years old pa lang ako by then. Parang hindi pa ako hinog."
PHOTO/S: @shuveeetrata on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results