Inasahan ni Raquel Pempengco na makatatanggap siya ng mga batikos nang magsalita siya sa Philippine Entertainenment Portal (PEP.ph) tungkol sa kanyang anak na Charice, na ngayon ay kilala na bilang si Jake Zyrus.
Nangyari nga ito dahil sa Facebook page pa lang ng PEP.ph ay halos limang libo na ang bilang ng mga komento ng netizens sa artikulong may hashtag na #NasaanSiCharice.

Napukaw ni Raquel ang atensiyon ng netizens na hindi matanggap ang pahayag niya na kahit kanino pa ipakanta ng American musician na si David Foster ang mga komposisyon nito, hindi ito mabibigyan ng hustisya tulad ng ginawa ni Charice/Jake.
"No GOOSEBUMPS.NO STANDING OVATION... Nothing compares… Nag-iisang legendary ng Pilipinas si Charice Pempengco," reaksiyon ni Raquel nang mapanood nito ang video ng guesting ni Morissette Amon sa concert ni Foster sa The Theatre ng Solaire.
Read: Raquel Pempengco says "nothing compares" to Charice's singing after watching David Foster's concert
Sa kabila ng matitinding batikos, natuwa si Raquel dahil nabasa niyang marami ang umayon sa kanya.
Ilan sa mga mababasang komento sa FB post ng artikulo tungkol kay Charice/Jake:
“Charice is Charice kahit maging Jake pa siya!"
“I agree with you Raquel."
"You are so right Mom Raquel."
"The design is very true"
"Nothing compares."
"I miss Charice."
"So true, I never felt goosebumps to a singer other than Charice."
Imbes na magpaapekto, natawa na lamang si Raquel sa mga reaksiyon ng mga netizen gaya ng sumusnod:
“Isa na lamang alaala si Charice."
"Wala na si Charice."
"Di ba patay na si Charice?"
The design is very bitter."
"Sinira ni Charice ang boses niya."
Reaksiyon dito ni Raquel: “Si Charice pa rin naman si Jake. Nag-iba nga lang ng genre.
“Ano ba naman yung mga tao na yan? Buhay pa si Charice. Kahit baguhin pa ang name niya, si Charice pa rin yan.”
Naniniwala ang detractors ni Jake na sinira nito ang ginintuang tinig na nagbigay sa kanya ng international fame, na hindi pa napapantayan ng ibang mga Filipino talent, dahil sa testosterones hormones injections para matupad ang pangarap niyang maging boses lalake siya.
Pero nagbago man ang anyo, pangalan, at boses ni Charice dahil sa pagyakap nito sa katauhan ni Jake Zyrus, nananatiling maganda ang timbre at punumpuno ng damdamin ang kanyang boses sa tuwing kumakanta siya.