Dumanas ng depresyon, ayaw lumabas ng bahay, at nawalan ng mga movie assignment at TV projects.
Ito ang mga nangyari sa seasoned actress na si Melissa Mendez nang madagdagan nang husto ang kanyang timbang na kadalasang nararamdaman ng mga karamihan sa mga artistang kapareho niya ang problema.
Ang Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan, na hindi pa naipalalabas sa mga sinehan, ang huling proyekto ni Melissa.
Nang dumalo siya sa story conference ng pelikulang pinangungunahan ni Joshua Garcia at mula sa direksiyon ni Chito S. Roño noong February 2020, inamin ni Melissa na tumaba siya nang husto
Tatlong taon makalipas gawin ang Mga Kaibigan ni Mama Susan, nagtagumpay si Melissa na mabawasan ng 30 pounds ang kanyang timbang.
Pinagtuunan daw kasi niya ng panahon at atensiyon ang pagpapapayat para manumbalik ang tiwala sa sarili.
“Thirty pounds ang na-lose ko dahil sa OMAD o One Meal A Day diet na sinabayan ko ng Zumba, every day in the morning.
“May sponsor ako ng food, ang Daily Gourmet delivery. I eat lunch lang. Kapag nagugutom ako, I drink lots of water,” kuwento ni Melissa sa Cabinet Files tungkol sa kanyang mga sakripisyo para pumayat.

Melissa Mendez before and after
Nag-umpisa ang pagpapapayat ni Melissa nang maalarma siya dahil hindi niya nagugustuhan ang sarili sa tuwing humaharap sa salamin.
“Every time I see myself in the mirror I didn’t like what I saw. Nahihiya akong lumabas at nawalan ako ng self-confidence.
“Nagkaroon din ako ng depression dahil wala nang kumukuha sa akin sa trabaho.
“After losing thirty pounds, bumalik ang self-confidence ko at maraming tao ang na-inspire sa health and fitness journey ko.
“If I can do it so they can too. Push lang nila," pahayag ni Melissa.
Desidido ang aktres na mabawasan pa ng ten pounds ang kanyang timbang dahil nami-miss na niya ang pag-arte, sabik na sabik at handang-handa na siyang tumanggap ng mga bagong proyekto sa telebisyon at sa pelikula.