Melissa Mendez moves on from offloading incident: “I have forgiven myself.”

Melissa Mendez humbly pleads, “Hindi ko na po hinihiling sa inyo na intindihin ako. Ang hinihiling ko na lang po ay patawarin ninyo ako sa mga naging pagkakamali ko.”


Maaliwalas ang aura at masigla ang mood ni Melissa Mendez nang mag-guest siya bilang isa sa contestants sa taping ng Celebrity Bluff ng GMA-7 noong Martes, April 7.

Kasama niya ang kanyang anak na si Denise Oca na naglaro.

Kuwento niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng taping,“Nitong nakaraang Holy Week, magkakasama kaming nagbakasyon ng pamilya ko.

“Kasama ko ang mga anak ko, mga kapatid ko, at mga pamangkin ko. Nagpunta kami sa isang lugar para mag-swimming.

“Masaya naman kami. Nakapag-bonding nang husto.

“Nagkaroon din kami ng time para mag-reflect. In remembrance of what Jesus did for us to save us from all our sins.

“Jesus Christ shed His blood for us to be forgiven.

"Dapat tayo rin, hindi lang magpatawad kundi humingi rin ng kapatawaran sa lahat ng mga pagkakasalang nagawa natin.

“And dapat, every day ‘yon. We have to ask God for forgiveness.

"Kasi tao lang tayo, lagi tayong magkakamali. No one is perfect."

Patuloy pa ng aktres, “Ngayon ay okey na okey na ako.

"I know in my heart I have this joy, I have this peace na God has forgiven me.

“Iyon naman ang importante. Although I have somehow dishonored Him.

“Although, somehow, may mga nagawa ako na na-displease ko si God.

"But the moment that I repented and asked for His forgiveness, right away His grace and His mercy talagang endures forever."


QUICK TO FORGIVE. Likas daw kay Melissa na madaling magpatawad sa sinumang nakasakit o nakagawa ng pagkakamali sa kanya.

Sabi niya, “Oo naman. Ako yung tao na hindi naghu-hold ng any grudges against anyone.

“I don’t make the record of wrongs. And once I have forgiven you, tapos na ‘yon.

“I have moved on. Tapos!

“Kasi yung unforgiveness, yung bitterness, yung anger, yung hatred, lahat ‘yon… iyon yung stronghold ng enemy, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iyon yung makakapatay sa ‘yo, ng soul mo.

"Hanggang sa ma-steal ka na ng joy mo, ng peace mo."


CASE UPDATE. Ayaw na sana ni Melissa na magsalita pa hinggil sa offloading incident na kinasangkutan nila mg modelo at realtor na si Rey Pamaran.

Read: Melissa Mendez offloaded from plane after 'punching' co-passenger and flight attendants

Pero nakaantabay ang marami kung ano ang saloobin ni Melissa hinggil sa reklamong slander by deed, with damage amounting to P3 million, na inahain ni Rey laban sa kanya sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Ang nasabing demanda ay kaugnay ng nangyaring alitan nilang dalawa sa eroplano na humantong diumano sa pananakit ni Melissa kay Rey.

Read: Rey Pamaran files P3-M slander by deed complaint vs Melissa Mendez

Sabi niya, “My lawyer advised me not to comment, so I don’t want to talk about this anymore.

“Kasi habang pinag-uusapan natin ito, lalong hahaba nang hahaba.”

Nagkausap na ba sila ni Rey?

“Hindi pa. Hinihinintay ko pa nga yung subpoena,” sagot niya.


HOPEFUL FOR RECONCILIATION. Kung sakaling magkaroon sila ng pagkakataong makapag-usap ni Rey, ano sa tingin niya ang magiging outcome?

“To be honest?” sandaling nag-isip si Melissa ng sunod na sasabihin.

Pagkatapos, sabi niya, “Ayoko sanang sagutin ‘yang tanong na ‘yan kaya ang tagal kong hindi makapagsalita.

“Alam mo, ang napu-forsee ko lang, ha, to be honest, once na nagkita kami, mag-smile ako sa kanya at mag-smile siya sa ‘kin.

“And then, parang… magyayakapan kami. And then we’ll be good friends.

“No… both of us have learned from this incident. And both of us will be even be closer to God.

“Na this is a lesson learned for the both of us. This is something that has happened for us.

“Because God wanted us to have this ano… more intimate relationship with him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi minsan, akala mo you have this special relationship with God.

“Pero minsan, nandiyan na you spend more time sa Internet or watching movies, o kaya sa Facebook o sa Instagram.

“But you know, you have a personal relationship with God. And at night, you pray to God.

“But, parang ang bilis mo lang mag-pray or meron ka lang sandaling time na quiet moment with God.

"Pero mas marami kang time para sa ibang bagay.

“So, this is an opportunity na parang kailangan itong mangyari because God really wants us to be drawn closer to him. Parang ganun.”

Umaasa siya na, kung hindi man ngayon, darating ang panahong magkakayos din sila ni Rey?

Sagot ni Melissa, “Hindi hope. Iyon ang napu-foresee ko… parang tatawanan na lang namin yung nangyari.

“Na… wala na. All is forgiven.”


DEALING WITH BASHERS. Noong kasagsagan ng usapin sa kanila ni Rey, grabe ang pamba-bash kay Melissa sa social media. Ano ang naging pakiramdam niya hinggil dito.

Saad ng aktres, “Naapektuhan ako noong una.

"Kasi nga, after nung incident, nag-move on na ako, e.

“Pero those two weeks talaga, sobra naman yung effect sa akin. Na-traumatize ako.

“Kasi never akong na-scandal, e.

"Pero supportive ang family ko kaya kinaya ko ‘yon na malagpasan.

“I have moved on easily by asking God to forgive me and forgiving people who have hurt me.

“Kahit yung mga basher, lahat ng mga nakasakit sa akin, I have forgiven them.

“And finally, I have forgiven myself.

“At saka I feel na hindi ko naman kailangang mag-explain kahit kanino.

"Sa mga nakasama ko sa trabaho, sa colleagues ko… hindi ko na kailangang i-explain.

“Hindi ko na rin kailangang magkuwento.

"Parang… wala na, kasi alam naman nila kung sino talaga ako."


LESSON LEARNED. Dahil sa naging isyu sa kanila ni Rey, may nabago ba kay Melissa pagdating sa pakikihalubilo niya sa mga tao, lalo sa mga hindi niya kilala?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “I learned. Pero ganun pa rin ako.

“I’m still malambing. I’m still soft-spoken. I’m still friendly, gano'n.

“Pero hindi na ako mag-a-ask ng mga favor-favor. Hindi na.

“Kumbaga, lagi naman tayong sumasakay sa eroplano, 'di ba? So, sundin na lang natin kung ano yung designated seat natin.”


TOUCHED BY ROBIN'S INTERVENTION. Ang action superstar na si Robin Padilla ay nagpakita ng suporta sa kanya at iniapela ang pag-aayos na sana nila ni Rey.

Read: Robin Padilla appeals to Rey Pamaran: Forgive Melissa Mendez

Dahil dito ay na-touch daw si Melissa sa ginawang ito ng action star.

“Grabe, ang tagal ko na siyang hindi nakita!

“The last time we worked together, sa isang soap opera sa ABS-CBN. At si Robin, sobrang mabait siya.

“Masaya kasi sa set namin. Para kaming family dun, kami nina Anne Curtis.

“Nagulat ako dun sa ginawa ni Robin. Hindi ko ini-expect.

“Hindi na kami nagkakausap ni Robin. I don’t have his number,” saad niya.

May gusto ba siyang iparating kay Robin?

Ayon kay Melissa, “Maraming-maraming salamat na namagitan siya.

"Wala naman siyang kinampihan. Namagitan lang siya.

"Para matapos na sana kung anuman yung nangyari na… magkapatawaran na.

“So, nagpapasalamat ako sa kanya. Kasi he’s for peace, e.

“Hindi lang sa case ko. Kumbaga, sa lahat ng tao na… alam naman natin na maraming tinutulungan si Robin.

“Maraming tao na tina-touch niya ang lives by his deeds and by his actions, by his examples."

Dagdag niya, “Na-touch din ako kay Kris Aquino.

"Kasi kilala niya ako. Nakasama kasi niya ako.

"So she knows my character na alam niyang sweet ako.

“Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga taong sumuporta sa akin. Sa lahat ng naniwala sa akin.

“Doon po naman sa mga hindi naniwala sa akin, sa mga nangba-bash sa akin, huwag niyo na lang po akong intindihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko na po hinihiling sa inyo na intindihin ako.

"Ang hinihiling ko na lang po ay patawarin ninyo ako sa mga naging pagkakamali ko.

“Nagpapasalamat din ako sa mga anak ko sa pag-intindi at pagsuporta sa akin.

"Sa mga kapatid ko at mga kaibigan ko na laging nandiyan para sumuporta sa akin."


BANNED? Samantala, may kumakalat na balitang banned na raw o hindi na puwedeng sumakay si Melissa sa kahit na anong airline. Ano ang reaksiyon niya rito?

Pagtanggi niya, “Merong ganun? Wala.

“Walang nagba-ban sa akin. Puwede akong sumakay sa kahit saang airline.

“Walang airline na nagsasabing banned ako. Wala akong naririnig na ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN