PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joshua Garcia, aminadong nakabalik sa showbiz dahil sa TikTok

Pelikula ni Joshua na Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan, ipalalabas sa Prime Video.
by Jojo Gabinete
Published Apr 14, 2023
joshua garcia mama susan pictorial
Joshua Garcia: “Breadwinner ako hanggang ngayon. Mabuti na lang, nakaipon ako. Hindi ganoon kasakit sa akin yung nangyaring pandemic. Kahit papaano nakakakain kami, nakaka-survive kami sa araw-araw."
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Nagpakatotoo si Joshua Garcia nang aminin nitong nakaramdam siya ng takot noong panahon ng coronavirus pandemic dahil parang nawawalan ng ingay ang pangalan niya sa social media.

Nakadagdag din sa mga alalahin ni Joshua na breadwinner siya ng pamilya at ang masakit na katotohanang binawian ng franchise ang ABS-CBN, ang kanyang home network.

Read: Congress junks ABS-CBN franchise renewal

Dahil dito, maraming bagay at aral daw ang napagtanto niya.

“Ang daming realizations nung pandemic," sambit ni Joshua nang makausap siya ng Cabinet Files sa pictorial para sa pelikulang Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan nitong Huwebes, April 13, 2023.

"At first, masaya kasi sunud-sunod yung trabaho natin noon. Parang lahat tayo hindi nababakante.

"Pero eventually, nare-realize mo, 'What’s next? Ano na ang mangyayari sa akin after this? Pagkatapos ng pandemic? Matatapos pa ba itong pandemic?

"Kasi parang lahat tayo, naliligaw noon. Lost tayong lahat noon."

Patuloy ng Kapamilya actor, “Breadwinner ako hanggang ngayon. Mabuti na lang, nakaipon ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ganoon kasakit sa akin yung nangyaring pandemic. Kahit papaano nakakakain kami, nakaka-survive kami sa araw-araw."

Tinanong namin si Joshua kung nakaramdam siya ng takot noong kasagsagan ng coronavirus pandemic.

“Oo naman!” walang pagkukunwaring sagot ni Joshua.

“Kasi patung-patong, e. Nawala yung franchise ng network ko.

“Sabi ko, pagkatapos ng pandemic, 'Ano ang susunod sa akin? Paano ako makakabalik sa industriya?'

“Parang natakot ako noon kasi parang nawawala na ako sa social media. Nawawala yung ingay.

"Buti na lang, pumasok si TikTok. That’s unexpected na nangyari sa akin.

"After that, may daan na ako pabalik. I mean, lahat na halos ng mga artista nawala kaya nga biglang ang daming pumasok, biglang nag-YouTube.

“Normal lang yon sa reaksiyon naming lahat. Medyo emotional din kasi tayong lahat at the time.”

@iam.joshuagarcia Miss me? No filtoor! #fyp #foryou #foryoupage ? Thick Fine Woman (feat. Lil' Ronny Mothaf, Fat Pimp & No Shame) - Chalie Boy

Ang Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan ang pelikulang natapos gawin ni Joshua nang bumaba na ang bilang ng mga kaso ng COVID-19.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Idinirek ito ng multi-awarded filmmaker na si Chito Roño, at isa sa mga ipinagmamalaking proyekto ni Joshua.

Kuwento niya, “Nung binabasa ko yung script, parang ang bigat sa pakiramdam.

"Ang feeling ko, kapag pinanood ko ito, parang ang bigat sa pakiramdam. Pagdating sa ending, parang, ‘Talaga? Ganoon ang nangyari?’

“Sobrang napapanahon [ang pelikula] kasi nga parang tulad ng mga nangyayari ngayon, ang daming unexpected events na hindi ko na ime-mention pero ganoon din dito sa Mama Susan.

“Si Mama Susan kasi, parang tina-tackle niya yung pag-aalaga sa environment natin.”

Iinuturing ni Joshua na proud moment ang working relationship nila ni Direk Chito sa Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan.

Aniya, “Yun ang proud moments ko, hindi niya ako na-bingo dito. Mas na-bingo pa niya ako sa Darna.

“Hindi niya ako napagalitan sa shoot [ng Mama Susan], as in close kami, relax lang kami sa set.

“Sa Darna, dun ako napagalitan. Kasalanan ko rin, kumakain ako ng yumburger sa set habang nagba-blocking siya. Mali ko rin naman!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula sa Regal Entertainment Inc. at BlackSheep Productions, mapapanood ang Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan sa Amazon Prime Video simula sa May 18, 2023.

Maligaya si Joshua na ipalalabas sa Prime Video at mapapanood sa mahigit dalawandaang teritoryo ang kanilang pelikula.

“I’m happy na nakapasok na ako sa Prime Video kasi mas marami na ang makakapanood sa akin.

"As an actor, magiging grateful ka talaga kapag naka-experience ka ng ganoong audience. Mas malaki, mas marami and, hopefully, it’s not my last.”

Nangangarap ba siyang maging international actor?

“That’s the goal. Personally, gusto kong makagawa ng kahit na isa lang muna, isang international film, okay na ako.

"Makagawa ako ng isa, tingnan natin kung saan ako dalhin. Yun muna, sa ngayon," sabi ni Joshua.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Garcia: “Breadwinner ako hanggang ngayon. Mabuti na lang, nakaipon ako. Hindi ganoon kasakit sa akin yung nangyaring pandemic. Kahit papaano nakakakain kami, nakaka-survive kami sa araw-araw."
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results