PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Binene, aminadong "very tita" in real life

The Rain In España author, satisfied sa kinalabasan ng serye.
by Jojo Gabinete
Published Apr 25, 2023
bea binene gwy saludes the rain in espana
Former GMA-7 artist Bea Binene (left) stars in her first project as Viva artist via the Viva One series The Rain In España, which is based on the Wattpad novel of Gwy Saludes (right).

Ang The Rain in España, na pinangungunahan nina Marco Gallo at Heaven Peralejo ang unang proyekto ni Bea Binene mula nang umalis siya sa GMA Artists Center at lumipat sa Viva Artists Agency noong September 2022.

Nagpapasalamat si Bea dahil ipinagkatiwala sa kanya ang karakter ni Via Diaz na nagampanan niya nang madali dahil hindi nagkakalayo ang mga ugali nila.

“Si Via Diaz, isa sa mga barkada sa The Rain in España. Siya yung mas motherly, mas tita sa aming lahat. Ako yung nagpapauwi kapag gumigimik.

“She’s very responsible, selfless, and very caring hindi lamang sa mga kaibigan kundi pati sa pamilya niya,” pagsasalarawan ni Bea sa karakter ni Via na kapareho umano ng ugali niya sa tunay na buhay.

Patuloy niya, “Very thankful ako dahil nagkatagpo kami ni Via kasi parang ganoon din ako, very family-oriented. Ako nga yung parang palaging uwi na tayo.

“In real life, very tita po din ako. Sabi ko nga, from bagets, parang diretso na ako sa pagiging tita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi rin po ako puma-party, never pa po akong nakapasok ng club. Yun ang very challenging sa akin kasi hindi ko alam kung paano yung tugstugs sa club.

"Pero very thankful ako kasi si Via ung role na ginampanan ko."

Si Theodore Boborol ang direktor ng The Rain in España, na akda ng young writer na si Gwy Saludes. May mahigit sa kalahating bilyon na ang bilang ng mga nagbabasa at sumusubaybay sa isinulat na book series ni Gwy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tulad ng pagkakahawig ng ugali ni Bea sa karakter na binigyang-buhay nito sa The Rain in España, tiniyak ni Direk Theodore na wala siyang binago sa isinadulang kuwento ng sikat na Wattpad novel ni Gwy.

“We are staying true to the material. Wala kaming masyadong binago. Of course, there’s limitation sa visual format dahil episode series kami.

“But in terms of spirit, yung core ng essence ng story at ng characters, I’m hoping na kung ano ang nabasa ng fans sa book, yon din ang mapapanood nila sa series namin,” ani Direk Theodore.

Pinatotohanan ito ni Gwy dahil napanood na nito ang unang walong kabanata ng series na matutunghayan sa Viva One simula sa Mayo 1, 2023.

“Napanood ko po until Episode 8 and so far, so good. I really love the way they portray the characters and I’m so honored na they gave me the chance to give my comments and feedback para mas maging better pa ‘yung kalabasan ng episode.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nakabantay ako sa kung ano yung dapat i-maintain kasi ito yon ang mahalaga sa book. Thankful po talaga ako na The Rain in España is becoming a TV show,” sabi ni Saludes na Gwy, na lubos ang pasasalamat sa pagpapahalaga at suportang ibinigay ng publiko sa kanyang popular na nobela.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former GMA-7 artist Bea Binene (left) stars in her first project as Viva artist via the Viva One series The Rain In España, which is based on the Wattpad novel of Gwy Saludes (right).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results