PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tropang LOL, balik-alas sa Showtime matapos magpaalam sa ere

Vice Ganda: "And we are all back!"
by Jojo Gabinete
Published May 1, 2023
it's showtime hoss
Vice Ganda: “So, ito na madlang people yung mga idinasal ninyo, ibinigay na po sa atin. Maraming-maraming salamat sa sinsero ninyong pagdarasal para sa pamilya natin madlang pipol. Kayo talaga ang sigla, kayo ang tibay, kayo ang lakas ng programang it. At kayo talaga ang nakikipaglaban at ipinaglalaban din namin kaya naman sama-sama tayo sa 12 noon!”
PHOTO/S: @amypcastillo on Instagram

Kumpleto ang mga host ng It’s Showtime sa live broadcast ng kanilang noontime show nitong Lunes, May 1, 2023.

Galak na galak sila sa muling pagbabalik sa original timeslot ng programa nila.

Ibinalik sa 12 noon ang oras ng It’s Showtime matapos magpaalam sa telebisyon ang kanilang dating sinusundang programa, ang Tropang LOL, noong nakaraang Sabado, April 29.

Read: Tropang LOL, pormal nang nagpaalam sa ere

Inilipat ang It’s Showtime sa 12:45 p.m. timeslot noong July 16, 2022 nang mag-umpisa na umere sa TV5 ang Kapamilya noontime variety show na napapanood din sa Kapamilya Channel at A2Z.

Tiniyak nina Vice Ganda, Anne Curtis, Kim Chiu, Vhong Navarro, Amy Perez, Jhong Hilario, at ng ibang mga co-host ng It’s Showtime na kumpleto sila sa unang araw ng Mayo 2023.

Ito rin ang unang araw ng pagbabalik nila sa original timeslot ng kanilang programa

Masayang pagbati ni Vice: “And we are all back!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At sa ating pagbabalik, nagbabalik tayo sa 12 noon! Sama-sama uli tayo simula ng alas-dose nang tanghali madlang people!”

Pinasalamatan ni Vice ang matatapat na manonood ng It’s Showtime.

Saad niya, “Maraming-maraming salamat kasi siyempre, ang saya-saya natin. Sobrang saya natin.

"Pero hindi lang naman tayo ang nag-wish at nagdasal para dumating ang araw na ito. Ang dami nating madlang people na nagdarasal to make this happen.

“Ang dami sa kanila ang nagre-request, nababasa mo online, ang dami sa kanilang nagbibigay ng kanilang mga damdamin na, ‘Sana mas mahaba yung oras. Nami-miss namin ‘yung dati nilang ginagawa. Sana hindi kami mabitin.’

“So, ito na madlang people yung mga idinasal ninyo, ibinigay na po sa atin.

“Maraming-maraming salamat sa sinsero ninyong pagdarasal para sa pamilya natin madlang pipol.

"Kayo talaga ang sigla, kayo ang tibay, kayo ang lakas ng programang ito. At kayo talaga ang nakikipaglaban at ipinaglalaban din namin kaya naman sama-sama tayo sa 12 noon!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para naman kay Anne, more bulol moments ang ihahatid niya bilang host ng kanilang 14-year-old television show.

“More time means more bulol moments. Siyempre, bet ko rin ang more moments with you by my super duper fabulous sexy and macho madlang people,” ani Anne.

Ang nagbalik-telebisyon na Face 2 Face, na pinangungunahan ni Karla Estrada, ang pre-program ng It’s Showtime sa TV5, samantalang ang replay episodes ng Los Bastardos ang show na sinundan ng It’s Showtime sa Kapamilya Channel.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda: “So, ito na madlang people yung mga idinasal ninyo, ibinigay na po sa atin. Maraming-maraming salamat sa sinsero ninyong pagdarasal para sa pamilya natin madlang pipol. Kayo talaga ang sigla, kayo ang tibay, kayo ang lakas ng programang it. At kayo talaga ang nakikipaglaban at ipinaglalaban din namin kaya naman sama-sama tayo sa 12 noon!”
PHOTO/S: @amypcastillo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results