Nagwagi si Sean de Guzman ng dalawang international best actor awards para sa Fall Guy, ang pelikulang pinagbibidahan niya na isinali sa Chithiram International Film Festival sa India noong September 2022 at sa Anatolian Film Awards sa Turkey noong August 2022.
Read: Direk Joel Lamangan, nagdilang-anghel tungkol sa pagiging best actor ni Sean de Guzman
Makalipas ang pitong buwan, ipalalabas sa Vivamax ang Fall Guy sa May 12.
Natutuwa si Sean dahil sa wakas, mapapanood na rin ng mga Pilipino ang pelikulang ipinagmamalaki niya at nagbigay sa kanya ng mga international acting recognition.
“Sobrang tuwa po nung nalaman ko na nanalo po ako ng award para sa pelikulang ito.
"Sobrang proud po ako na maipapalabas na po dito sa atin itong pinaghirapan naming lahat. Sobrang nakaka-overwhelm po,” sabi ni Sean sa nakaraang digital media conference ng Fall Guy.
Dahil sa mga parangal na natanggap niya mula sa India at Turkey, umaasa si Sean na mapapansin din ng mga miyembro ng local award-giving bodies ang award-winning performance niya sa Fall Guy.
“Hopefully po," sambit niya.
"Sana po ma-recognize tayo dito sa Pilipinas, hindi lamang po sa international.
"Kasi iba pa rin po yung pakiramdam na ma-recognize tayo ng kapwa Pilipino natin.
"Sana po manalo pa tayo ng mas marami pang awards dahil sobrang proud po ako. Sobrang napakaganda ng story at ng pelikula."
Lubos ang pasasalamat ni Sean kay Joel Lamangan, ang direktor ng Fall Guy, na unang nagtiwala sa kanyang kakayahan nang mapili siyang bida sa Anak ng Macho Dancer noong 2021.
Read: Sean de Guzman, proud pinanood ang Anak ng Macho Dancer kasama ang pamilya
Pahayag niya, “Sobrang pasasalamat ko kay Direk Joel kasi siya po yung kauna-unahang direktor na nagtiwala sa akin. Na nagbigay sa akin ng opportunity to pursue…na makapasok dito sa movie industry.
“Siya rin po yung nagturo sa akin ng iba’t ibang techniques when it comes to acting.
“Nakaka-proud din sa akin na siya yung naging una kong direktor sa pelikula.”
Sexy actor ang image ni Sean dahil sa sunud-sunod ang erotic movies na ginawa niya noong nagsisimula ang kanyang showbiz career.
Sa Fall Guy, may mga eksenang kailangang maghubad ni Sean, pero hindi umano ito kasing-tindi ng kanyang mga ginawa sa mga nakaraang proyekto niya.
“May mga sexy scene pero hindi totally sexy, kinakailangan sa eksena.
“May mga scene na kailangan na nakahubad kami pero hindi talaga totally sexy,” saad ni Sean.
Hindi maipaliwanag ni Sean ang nararamdamang kaligayahan dahil dalawang taon matapos ilunsad sa Anak ng Macho Dancer, kinikilala na ang husay niya sa pag-arte.
Read: Hubadero 2022 Edition: Male stars who did frontal nudity (real or prosthetic) in movies