PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Voltes V: Legacy stars, nanawagang labanan ang piracy

Tangkilikin lamang ang local television networks at local movie producers.
by Jojo Gabinete
Published May 1, 2023
voltes v legacy premiere
Voltes V: Legacy director Mark Reyes (with eyeglasses) with stars (from left) Radson Flores, Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix, Raphael Landicho, and Matt Lozano.
PHOTO/S: Noel Orsal

Tumayo at nanindigan ang GMA Network at ang mga artista ng Voltes V: Legacy laban sa mga namimirata ng mga pelikula sa pamamagitan ng isang anti-piracy campaign video na naghihikayat sa publiko na huwag tangkilikin ang mga illegal na gawain.

Iginiit ni Miguel Tanfelix sa anti-piracy campaign video ng Kapuso Network ang kahalagahan ng legal streaming platforms sa mga tauhan nito.

Si Miguel ang gumaganap na Steve Armstrong sa live-action adaptation ng Voltes V: Legacy na mapapanood sa GMA 7 simula sa May 8, 2023, Lunes.

Nanawagan siya sa publiko na panoorin lamang ang mga original content sa legal platforms bilang suporta sa mga local television network at local movie producers.

Pinasalamatan naman ni Ysabel Ortega ang mga ahensiya na ginagawa ang lahat para masugpo ang problema sa piracy dahil malaking tulong ito sa entertainment industry.

“Wag po tayong mag-share ng illegally downloaded content. Piracy na yun,” apela ni Radson Flores.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hinihiling naman ng child actor na si Raphael Landicho na turuan ng mga nakatatanda ang mga kapwa niya bata na maging responsable sa pag-stream ng mga panoorin para hindi sila “ma-expose sa mga harmful content online.”

Sa May 8 pa mag-uumpisa ang pagpapalabas ng GMA-7 sa Voltes V: Legacy pero nauna nang napanood sa mga sinehan ng SM Malls mula pa noong April 19, 2023 ang movie version ng pinakahihintay na primetime series ng Kapuso Network.

Buhat nang magkaroon ng "cinematic experience" ang Voltes V: Legacy, mabilis na kumalat sa iba’t ibang mga social media platform ang ilang mga eksena.

Base sa kalidad nito, malinaw na biktima ng pamimirata ang proyektong ginawang katatawanan dahil binago sa pamamagitan ng re-dubbing ang mga dialogue ng mga pangunahing tauhan.

Ang inilabas na anti-piracy campaign video ng GMA Network ay isa lamang sa maraming paraan para paalalahanan at kumbinsihin ang publiko na suportahan ang legitimate streaming platforms.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakikipagtulungan din ang GMA Network sa Alliance for Creativity and Entertainment (ACE), Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL), at Video Coalition of the Philippines (VCP) para labanan ang problema sa piracy.

Hindi lamang sa mundo ng pelikula nangyayari ang talamak na pamimirata dahil malaking alalahanin din ito ng mga television network.

Mabilis na kinokopya at ginagawang content ng mga walang konsensyang Pilipino ang mga popular na television show ng iba’t ibang mga TV network na inilalagay nila sa kanilang mga YouTube channel para pagkakitaan.

May malaking pananagutan ang may-ari at ang mga namamahala ng YouTube dahil kinukunsinti nila ang maling mga gawain na walang ipinagkaiba sa harap-harapan at lantaran na pagnanakaw ng mga tao na nagpapanggap na mga social media influencer.

Hindi rin ligtas ang mga entertainment website, tulad ng Philippine Entertainment Portal, mula sa mga plagiarist dahil pinipirata at walang kahihiyang kinokopya—word for word o sa madaling-salita, copy and paste, at higit sa lahat, walang attributionng mga naturingang editor at writer ng mga legitimate news organization ang kanilang mga exclusive story, na personal namin itong naranasan at nararanasan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bukod sa kanilang isinugal na kredibilidad, sila mismo ang nag-alis ng respeto nila sa sarili.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Voltes V: Legacy director Mark Reyes (with eyeglasses) with stars (from left) Radson Flores, Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix, Raphael Landicho, and Matt Lozano.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results