Mga baguhang akor ang mga bida sa The Day I Loved You kaya malaking sorpresa sa Regal Entertainment Inc. ang mainit na pagtanggap ng publiko sa kanilang Boys Love (BL) series na nagsimulang mapanood sa official YouTube channel nila noong April 26, 2023.
Read: Tommy Alejandrino, palaban sa intimate scene nila ni Raynold Tan
Hindi inaasahan ni Regal producer Roselle Monteverde ang atensiyon at pagpapahalaga na ibinigay ng manonood sa Singaporean actor na si Raynold Tan at kay Tommy Alejandrino, ang best actor ng 18th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival noong August 2022 para sa The Baseball Player.
As of May 1, 2023, meron nang 9.2 million views sa TikTok at 500,000 views sa YouTube ang The Day I Loved You, at patuloy na nadaragdagan ang social media followers nina Raynold at Tommy.
Pero kung maligayang-maligaya si Roselle dahil sa tagumpay na tinatamasa ng bagong BL series ng kanyang production company, nagpahayag din siya ng pagkadismaya dahil mabilis na kumalat sa iba’t ibang mga social media platform ang pirated copies ng The Day I Loved You.
Labingwalong minuto lamang ang running time ng pilot at second episodes ng BL series nina Raynold at Tommy kaya napakadali para sa mga video pirate na kopyahin ang kabuuan ng proyektong pinagpaguran ng mga artista at ginastusan nang malaki ng production outfit ni Roselle at ng kanyang ina, ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde.
“Sana naman, magpakita sila ng malasakit sa aming mga producer," dismayadong pahayag ni Roselle nang makausap siya ng Cabinet Files nitong Martes, May 2, 2023.
Sa kabila ng malungkot na balitang pinirata ng mga taong walang konsensiya ang unang proyekto niya sa Pilipinas, nagpasalamat si Raynold sa mga Pilipino na tumatangkilik sa The Day I Loved You at kinikilig sa mga eksena nila ni Tommy.
"‘Blessed’ doesn’t even scratch the surface of what I’m feeling.
"Two years ago, I never considered the possibility of acting. Today, I’ve worked together with one of Philippines’ top production house and leading director.
“Thank you Regal Films and Miss Roselle Monteverde for this opportunity. It is one that I will never forget.
“Thank you Direk Easy Ferrer for your guidance and patience. You made my first filming experience in the Philippines such an enjoyable one with your amazing personality. I’ve learnt a lot from you during my stay in the Philippines,” bahagi ng pasasalamat ni Raynold sa mga personalidad na nagbigay sa kanya ng pagkakataog ilunsad sa Pilipinas ang acting career niya.
Malaki ang posibilidad na bumalik si Raynold sa Pilipinas at masundan pa ang kanyang mga proyekto sa Regal dahil sa tagumpay ng The Day I Loved You.