PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Chad Kinis, naging emosyunal sa pasasalamat sa Beks Battalion

Chad Kinis, direktor na ng pelikula.
by Jojo Gabinete
Published May 6, 2023
beks battalion
Chad Kinis (center) on Beks Battalion co-members Lassy Marquez (left) and MC Muah (right): “Tinanggap po nila ako bilang pangatlo sa pamilya nila kaya hinding-hindi ko makakalimutan lagi ang kabaitan nila, ang pagtulong nila. Kung sino po ang tinutulungan dito, hindi po ako ang nakatulong sa kanila. Ako po ang bumuo ng Beks Battalion, pero ako po ang dinala nila pataas kaya super thankful ako sa dalawang ito.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Katuparan ng pangarap ng comedian na si Chad Kinis ang kanyang movie directorial debut na Beks Days of Our Lives.

Para sa unang pelikula ni Chad, ang kanyang mga kasamahan sa Beks Battalion at mga kapwa komedyante na sina MC Muah at Lassy Marquez ang kinuha niya bilang mga bida.

Read: Beks Battalion: Puwedeng mag-away, pero bawal maghiwalay

Sa hindi inaasahang pagkakataon, napaluha si Chad nang magsalita ito sa media conference ng Beks Days of Our Lives nitong Biyernes ng gabi, May 5, 2023, dahil ipinaabot niya ang taus-pusong pasasalamat kina MC Muah at Lassy.

Pahayag niya, “This Beks Battalion is an unexpected family. Hindi po namin inasahan na ganito kami magiging katatag, magkakasama bilang pamilya.

“Nagkaroon ako ng panibagong mga kapatid sa kanila. Sa totoo lang po kasi, I’ve been so alone for decades na mag-isang nagtatrabaho, papasok ako ng comedy bar, uuwi akong mag-isa.

“Nung nagkaroon ng pandemya, nabuo ko ang Ex-Battalion. Parang I found a new purpose sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi lang po ako nagkaroon ng kapatid, nagkaroon ako ng pamilya, kasi merong gumagabay sa akin. Nagkaroon po ako ng bagong direksyon sa kanila.

“Kung sino po ang talagang magiging thankful dito, ako po talaga kasi tinanggap po nila ako.

“Tinanggap po nila ako bilang pangatlo sa pamilya nila kaya hinding-hindi ko makakalimutan lagi ang kabaitan nila, ang pagtulong nila.

“Kung sino po ang tinutulungan dito, hindi po ako ang nakatulong sa kanila.

"Ako po ang bumuo ng Beks Battalion, pero ako po ang dinala nila pataas kaya super thankful ako sa dalawang ito,” lumuluhang litanya ni Chad.

Pinaalalahanan naman siya ni MC Muah na comedy at hindi drama ang pelikula nila na mapapanood sa mga sinehan simula sa May 17.

Mag-iisang taon na ang nakalilipas buhat nang maghiwalay si Chad at ang kanyang model-boyfriend na si Nikko Alano Chua.

Dahil well-publicized noon ang kanilang relasyon, tinanong si Chad kung hindi kaya makaramdam ng panghihinayang si Nikko — na inaakusahan noon na aspiring celebrity at gagamitin lamang niya si Chad — dahil direktor na siya ngayon ng pelikula?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Chad Kinis, ipinagpalit ng boyfriend sa "lalaking maganda rin ang katawan"?

Sagot ni Chad, “Feeling ko naman po, hindi siya manghihinayang kasi hindi naman po siya nag-aartista, nagmo-model po siya.

“Hindi naman po siya manghihinayang at saka kung naghihinayang po siya, sana hindi po niya ginawa yung noon.”

Hindi na nagkuwento si Chad tungkol sa tunay na rason ng paghihiwalay nila ni Nikko, pero mapapansin sa kanyang mga binitiwang salita na ang ex-boyfriend niya ang may pagkukulang kaya mabilis na natapos ang kanilang same-sex relationship.

Read: Nikko Alano Chua to his bashers after breakup with Chad Kinis: "Are y’all perfect?"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chad Kinis (center) on Beks Battalion co-members Lassy Marquez (left) and MC Muah (right): “Tinanggap po nila ako bilang pangatlo sa pamilya nila kaya hinding-hindi ko makakalimutan lagi ang kabaitan nila, ang pagtulong nila. Kung sino po ang tinutulungan dito, hindi po ako ang nakatulong sa kanila. Ako po ang bumuo ng Beks Battalion, pero ako po ang dinala nila pataas kaya super thankful ako sa dalawang ito.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results