Kabilang ang comedian na si Chad Kinis sa mga showbiz personality na nalimas ang pera sa kanyang GCash account noong May 8, 2023.
Dahil dito, gumawa agad siya ng appeal video para makarating sa mga kinauukulan ang problema niya.
Inilahad ni Chad Kinis na naubos ang pera niya sa GCash na napunta sa isang EastWest Banking Corporation account number. Pero wala siyang natanggap na one-time password (OTP) sa kanyang cellphone na ipinadadala at standard operating procedure ng nasabing mobile payments platform company para sa bawat transaksiyon ng lahat ng kanilang mga subscriber.
Hindi nasayang ang panawagan ni Chad Kinis dahil mabilis na nakipag-ugnayan sa kanya ang isang tauhan ng GCash na nagbigay ng katiyakang mababawi ng komedyante ang mga nawalang pera nito sa GCash account niya.
“Tumawag sila sa akin at upon checking, naibalik na nila yung pera ko. Sana naibalik rin yung pera ninyong lahat. Kung anong nawala sa inyo, sana naibalik din kaagad.
“Kausap ko kanina yung taga-GCash, they called me and I’m trying to ask kung anong nangyari so I can give you an update.
“Wala pa silang answer pero nag-aano [gumagawa] pa sila ng investigation.
"So, for now, ang mahalaga, naibalik ang mga pera natin o kung hindi pa sa inyo, please let me know para we can call out GCash again,” kuwento ni Chad sa latest video na kanyang ginawa.
Pinuri ng netizens ang ipinamalas na pagmamalasakit ni Chad Kinis sa mga kababayan nating biktima rin ng authorized transactions sa GCash.
Pero kasunod nito ang mga opinyong mabilis na nabigyan ng aksyon ang problema ng komedyante dahil showbiz personality o kilalang tao ito kaya kawaawa ang mga ordinaryong tao na walang star power para mabilis na makuha ang atensyon ng mobile payments service company.
Ito ang ilan sa mga komento ng netizens na naperhuwisyo sa nangyari sa kanilang mga GCash account at, diumano, hindi pa naibabalik hanggang ngayon ang mga pera nila na misteryosong naglaho:




