PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Matteo Guidicelli, nagsimula na bilang co-host ng ‘Unang Hirit’

Matteo, ilang beses binati si Sarah Geronimo sa unang araw niya sa Unang Hirit.
by Jojo Gabinete
Published May 15, 2023
matteo guidicelli unang hirit
Matteo Guidicelli (second from left, seated) officially joins Unang Hirit as regular co-host. He is welcomed by his co-hosts (from left) Susan Enriquez, Suzi Entrata-Abrera, Ivan Mayrina, Shaira Diaz, Arnold Clavio, and Mariz Umali.
PHOTO/S: GMA Network

Opisyal na nagsimula ngayong Lunes ng umaga, May 15, 2023, ang pagiging Kapuso at Unang Hirit co-host ni Matteo Guidicelli.

Ipinakilala si Matteo sa pamamagitan ng paglabas niya mula sa isang malaking kahon na kulay dilaw at may nakasulat na “Open Me." Tulung-tulong itong binuksan ng Unang Hirit mainstays na sina Susan Enriquez, Ivan Mayrina, Mariz Umali, at Arnold Clavio.

matteo guidicelli unang hirit

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Matteo, morning person siya kaya hindi mahirap para sa kanya ang gumising nang maaga at pumunta sa studio ng GMA-7 sa Quezon City.

Matunog na “Ma’am" at "Sir" ang tawag ni Matteo sa mga host ng Unang Hirit at hindi nawawala ang "po" at "opo" habang nakikipag-usap siya.

“I usually wake up [at] 5:30 a.m. pero paglabas ngayon 3:30 a.m.

“Usually when I wake up, coffee, tubig, tapos diretso sa exercise," sabi ni Matteo.

Read: Matteo Guidicelli, opisyal na ang pagiging Kapuso

Tuwang-tuwa si Matteo dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga host ng early morning program ng Kapuso Network.

“I have to say you guys welcomed me very very nicely. I have to say thank you very much.

"Itong welcome, napakatindi at iba talaga. Maraming-maraming salamat.

"Hindi lang kayo pero everybody behind the camera. Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat," aniya.

Nang sabihin ni Ivan na hindi lamang pan-kamera ang barkadahan ng mga host ng Unang Hirit, sumagot si Matteo ng “Kaya next time, Sir, imbitahan ko kayo sa concert ni Sarah.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sa lahat ng mga nanood sa concert ni Sarah, maraming-maraming salamat. Next show, nandoon na po kayo.”

Read: Sarah Geronimo reminisces about how Regine Velasquez helped her when she was a newbie

Bukod sa imbitasyon niya sa UH hosts sa susunod na concert ng misis niyang si Sarah, nag-imbita rin si Matteo sa kanilang farm sa Paete, Laguna, na may mga tanim na pinya at puwede silang mangabayo.

“Pagpunta natin doon, i-park natin ang kotse, may one kilometer na lakad,” ani Matteo.

Pauli-ulit na sinabi ni Matteo na nanonood si Sarah at proud ang kanyang asawa na bahagi na siya ng Unang Hirit.

“Sa sobrang excited ko kagabi, nanood pa kami ng Jessica Soho [Kapuso Mo Jessica Soho].

“Supportive siya. Actually nanonood siya ngayon.

"Hi love, good morning,” bati ni Matteo kay Sarah, na maraming beses niyang binati sa kanyang unang araw bilang co-host ng Unang Hirit.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matteo Guidicelli (second from left, seated) officially joins Unang Hirit as regular co-host. He is welcomed by his co-hosts (from left) Susan Enriquez, Suzi Entrata-Abrera, Ivan Mayrina, Shaira Diaz, Arnold Clavio, and Mariz Umali.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results