PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dacera Case: Mr. Gay World PH 2023 Winner

JP dela Serna, isusulong ang awareness laban sa bullying.
by Jojo Gabinete
Published May 15, 2023
jp dela serna
JP dela Serna, one of the 11 respondents in the controversial Christine Dacera case, will represent the Philippines in Mr. Gay World 2023 which will be held in South October in October 2023.
PHOTO/S: Mr. Gay World Philippines

Nagkaroon ng trauma si John "JP" Reyes Dela Serna nang masangkot siya sa kontrobersiyal na pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera noong January 1, 2021.

Ito ay dahil sa naranasan niyang maging biktima ng bullying, hindi lamang sa social media kundi pati sa kanyang araw-araw na pamumuhay.

Kabilang si JP sa 11 katao na kinasuhan ng rape at homicide kaugnay sa misteryosong pagpanaw ni Dacera. Pero noong January 2021, pinawalang-sala sila ng Prosecutor’s Office ng Makati City.

Read: Makati prosecutors junk rape-homicide charges against 11 respondents in Dacera case

Kahit naabsuwelto, ang anti-bullying pa rin ang adbokasiyang isinulong ni JP nang sumali siya sa Mr. Gay World Philippines 2023, dalawang taon matapos masangkot sa Dacera homicide and rape case.

Nasulit ang lahat ng mga paghahandang ginawa ni Dela Serna para sa gay pageant na kanyang nilahukan. Siya ang tinanghal na Mr. Gay World Philippines 2023 sa koronasyong ginanap sa Apollo World Class Male Entertainment & KTV Bar sa Roxas Boulevard, Parañaque City, Linggo ng gabi, May 14, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si JP ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Mr. Gay World 2023 na idaraos sa October 23 hanggang October 29 sa Cape Town, ang capital city ng South Africa.

Pinili ni JP na maging kinatawan ng Dolores, Pasay City sa Mr. Gay World Philippines bilang pagpupugay sa kanyang ina na isinilang sa naturang lungsod.

“I am giving a salute to my mom,” sabi ni JP, na naulila sa ama sa edad na dalawang taon.

Dagdag niya, “My purpose in joining this pageant is to raise awareness… because I was a victim of bullying and I would like to kill the stigma of being bullied not only on social media but in person as well.”

Veterinary student si JP sa Dela Salle Araneta University sa Malabon City.

Ang pitong aso na inaalagaan niya ang itinuturing ni Dela Serna na healer nito nang makaranas siya ng bullying dahil tanging pagmamahal, katapatan, at walang paghuhusga ang kanyang natitikman mula sa kanyang “fur babies.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JP dela Serna, one of the 11 respondents in the controversial Christine Dacera case, will represent the Philippines in Mr. Gay World 2023 which will be held in South October in October 2023.
PHOTO/S: Mr. Gay World Philippines
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results