PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miss Universe PH 2023 Faces Internet Issues

Anne Jakrajutatip, nagbigay-pugay kay Miss Universe 1973 Margie Moran.
by Jojo Gabinete
Published May 17, 2023
michelle dee xian lim muph 2023
Ang mahinang Internet connection ang diumano’y pangunahing dahilan kaya napilitang gumamit ng manual tallying system ang auditing firm na namahala sa pagbibilang ng mga boto sa Miss Universe Philippines 2023.
PHOTO/S: @michelledee / @xianlimm on Instagram

Apat na araw na ang nakalilipas buhat nang idaos ang Miss Universe Philippines 2023 sa Mall of Asia Arena, pero naghahanap pa rin ng kasagutan ang beauty pageant fans tungkol sa desisyong piliin mula sa Top 18 candidates ang limang magtatagisan para sa pinakamimithing korona.

Nagsimula ang haka-hakang "cooking show" ang national beauty pageang dahil sa announcement ni Xian Lim matapos ianunsiyo ang Top 10.

Sabi ni Xian: “Due to technical issues, we've resulted to manual tallying, which means, our Top 18 candidates will go through the evening gown and compete for the Top 5.”

Read: Xian Lim, pinuri sa paghu-host ng Miss Universe Philippines 2023

Para sa kaalaman ng mga nag-isip ng masama laban sa Miss Universe Philippines Organization, ang mahinang Internet connection ang diumano’y pangunahing dahilan kaya napilitang gumamit ng manual tallying system ang auditing firm na namahala sa pagbibilang ng mga boto.

Si Michelle Dee ang hinirang na Miss Universe Philippines 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit walang kasalanan, siya ang naging sentro ng mga batikos sa social media ng netizens na ipinipilit na may dayaang nangyari.

Pero tiniyak ng newly crowned beauty queen na hindi siya apektado at lalong hindi nagpapaapekto sa mga negatibong komento na nababasa niya.

Hindi nagkaroon ng pagkakataon si Michelle na makilala nang personal si Miss Universe Organization owner Anne Jakrujatatip dahil bumalik na ito sa Thailand at hindi na dumalo sa coronation night ng Miss Universe Philippines 2023.

ANNE JAKRAJUTATIP PAYS TRIBUTE TO MISS UNIVERSE 1973 MARGIE MORAN

Si Miss Universe 1973 Margie Moran ang isa sa mga hurado sa Miss Universe Philippines 2023.

Binigyan siya ng importansiya sa naturang okasyon dahil ipinagdiriwang niya ngayong 2023 ang ika-limampung anibersaryo ng koronasyon niya sa Athens, Greece, noong July 21, 1973.

Ngayong Miyerkules, May 17, nagbigay-pugay si Anne sa 69-year-old Filipino beauty queen sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Mensahe niya: “Miss Universe Organization was so privileged, honored and proud to meet with Ms. Margie Moran, the Miss Universe 1973 from The Philippines, who is the pride of many Filipinos for 50 years now.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ms. Moran is the legendary woman who achieved so many incredible goals in life from being the golden beauty Queen, high class actress and peace advocate.

“She’s the real Force For Good who can be the female icon for all generations to look up to. Salamat and we love you!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula naman sa Pilipinas, bumiyahe sa Bangkok, Thailand si Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel para sa pagpapatuloy ng kanyang Miss Universe Asia Tour.

Mananatili si R’Bonney sa Thailand hanggang sa May 24, 2023.

Samantala, nakansela ang television guesting ng isang nagtanghal sa coronation night ng Miss Universe Philippines 2023 dahil nagpositibo siya sa COVID-19.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang mahinang Internet connection ang diumano’y pangunahing dahilan kaya napilitang gumamit ng manual tallying system ang auditing firm na namahala sa pagbibilang ng mga boto sa Miss Universe Philippines 2023.
PHOTO/S: @michelledee / @xianlimm on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results