GORGY RULA
Bukod sa mga hanash ng netizens sa pagkapanalo ni Michelle Dee sa nakaraang Miss Universe Philippines 2023, marami ang pumuri sa hosting job ni Xian Lim sa naturang national beauty pageant.
Kasama ni Xian na nag-host sina Alden Richards at Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi.
Pinuri ng netizens ang hosting job ni Xian, at kung paano niya na-handle ang ilang technical issues sa Miss Universe Philippines 2023 na ginanap sa SM MOA Arena nung Sabado ng gabi, Mayo 13, 2023.
Nakikita namang maingat si Xian sa pagbabasa ng winners. Sinisilip muna niya ang resulta bago niya ito i-announce. Gusto niyang tiyaking tama ang binabasa niya.
Proud din siyempre ang nobya niyang si Kim Chiu na nag-post sa social media.
Nasa IG story na nanonood si Kim sa TV at nag-comment siyang, “Galing mo naman Xi.”
Nag-tweet pa si Kim ng kuha ni Xian sa Miss Universe at nasa caption nito, “Ang guwapo naman ng Xian Lim!!!”
Proud na proud din ang KimXi fans na nire-retweet ito.
JERRY OLEA
Naka-3.6% ang delayed telecast ng Miss Universe Philippines 2023 sa GMA-7, bago mag-All Out Sundays, nitong Mayo 14, Linggo.
Sa Miss Universe PH last year ay lumahok din si Michelle, pero first runner-up lang siya. OK lang iyon sa kanya.
Nakakapanlumo lang na ngayong siya ang kinoronahan ay may paratang na kesyo “cooking show” ang naganap.
Read: Makati’s Michelle Dee crowned Miss Universe Philippines 2023
Samantala, nakakatuwa ang pagbati kay Michelle ng Miss World Philippines sa Facebook: “Congratulations to Michelle Marquez Dee, the newly crowned Miss Universe Philippines 2023!
“Your hard work, dedication, and grace have paid off and you truly deserve this honor. Your journey to the crown has been nothing short of incredible, and we are thrilled to see you represent our country again on the international stage.
“You are an inspiration to young women everywhere and we can’t wait to see all the amazing things you accomplished to the world and bring them even more so to the universe. From your family in Miss World Philippines Organization, congratulations Michelle Dee!”
Si Michelle ang kinoronahang Miss World Philippines noong 2019.

Masundan kaya ni Michelle ang mga yapak ni Catriona Gray?
Si Catriona ay nagwaging Miss World Philippines 2016. Natalo siya sa Miss World.
Kinoronahan siyang Miss Universe Philippines 2018, at kapagkuwan ay naging ikaapat na Pinay Miss Universe.
Si Michelle ay nagwaging Miss World Philippines 2019. Pasok siya sa Top 12 ng Miss World 2019.
At ngayon, Miss Universe Philippines 2023 si Michelle… na anak ni Melanie Marquez, Miss International 1979.
Siyanga pala, ang isa sa medyo sad habang nanonood ng Miss Universe Philippines nung Linggo ay ang TV host na si KC Montero.
Magkasunod na nag-host si KC ng Miss Universe Philippines 2020 at 2021.
Nung 2022 ay si Pia Wurztbach kasama ang kapwa Miss Universe na sina Iris Mittenaere at Demi-Leigh Tebow ang nag-host.
Read: KC Montero's Miss Universe Philippines 2021 hosting gets mixed reactions
Nag-tweet si KC na malungkot siyang pinapanood ang Miss Universe Philippines sa TV.
Sabi niya sa caption, “Ok I want to host Miss Universe again. Watching from home just ain’t the same.”
Pero masaya naman siyang si Xian ang nag-host.
Nag-comment siya sa isang IG post ni Xian ng, “You got this!”
Sinagot naman siya ni Xian ng, “thank you brother (praying emoji)”
NOEL FERRER
Nanatili pa rin ang maraming tanong na sana makapagbigay ng kalinawan.
1. Ano nga ba ang nangyari sa tabulation ng SGV? Hindi magandang advertising sa kanila ang nangyari kung hindi maipapaliwanag ito nang maayos.
2. Oo nga at the decision of the Board Of Judges is final, pero may basis ba ang nag-trend na #cookingshow dahil sa conflict of interests ng ibang nakuhang judges na sinasabing malapit sa winning candidate?
Wala ako sa Pilipinas ngayon pero ito ang paulit-ulit na tanong ng mga tao na puros bulung-bulungan kaya mas magandang masagot ito sa lalong madaling panahon.
