PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Epy Quizon on Voltes V and Dirty Linen

Epy Quizon, nahihiya sa pagkakasabay ng Voltes V: Legacy at Dirty Linen
by Jojo Gabinete
Published May 18, 2023
epy quizon voltes v dirty linen
Epy Quizon plays Zuhl (left) in the GMA-7 primetime series Voltes V: Legacy, while he portrays Ador (right) in Kapamilya Channel and TV5's Dirty Linen.
PHOTO/S: GMA Network / Kapamilya Channel

Imbes na matuwa at magmalaki dahil gabi-gabi siyang napapanood sa mga primetime series ng GMA-7, TV5, at Kapamilya Channel, nahihiya si Epy Quizon dahil hindi niya inaasahang magpapang-abot ang pagpapalabas sa telebisyon ng kanyang mga proyekto.

Gumaganap siya bilang si Zuhl sa Voltes V: Legacy ng Kapuso Network, habang siya naman si Ador sa Dirty Linen na napapanood sa TV5 at Kapamilya Channel.

Umaani ng papuri si Epy dahil sa mahusay niyang pagganap sa dalawang roles na ipinagkatiwala sa kanya.

“Actually, to tell you the truth, medyo nahihiya ako sa parehong network kasi for some reason, nag-abot ang airing dates ng Voltes V ng GMA Network at ang Dirty Linen ng Kapamilya Network at TV5,” pahayag ni Epy nang makausap siya ng Cabinet Files.

“Siyempre, maski freelance ako, ayoko pa rin na mangyari yon, since I do not want anyone to feel that I am not loyal to the project and the network who believed in my craft.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinaliwanag ni Epy na nagpang-abot ang telecast ng kanyang mga tinatampukang programa dahil panahon pa ng pandemya nang umpisahan ang taping para sa Philippine adaptation ng Voltes V.

Ayon kay Epy, “First lock-in taping ko sa Voltes V was about two years ago. Ang Dirty Linen naman was around last September 2022 lang.

“Ngayon pa lang, humihingi na ako ng pasensiya sa bosses ng mga network at sana po ay maunawaan ninyo ako.”

Hindi nag-iisa si Epy sa sitwasyon nito.

Tulad niya, napapanood sina Christian Vazquez at Albert Martinez sa Voltes V: Legacy at sa The Iron Heart ng Kapamilya Channel at TV5. Hindi rin inakala ng dalawa na magpapang-abot ang telecast ng kanilang mga tinanggap na proyekto.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Epy Quizon plays Zuhl (left) in the GMA-7 primetime series Voltes V: Legacy, while he portrays Ador (right) in Kapamilya Channel and TV5's Dirty Linen.
PHOTO/S: GMA Network / Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results