Natagpuan ang bangkay ng Brazilian actor na si Jefferson Machado noong May 22, 2023.
Natuklasan ang bangkay ni Machado na nakasilid sa wooden chest na binuhusan ng semento at nakabaon sa likuran ng isang tahanan sa Campo Grande, ang capital city ng Mato Gross, sa Brazil.

Inihayag ni Jairo Magalhães Pereira, ang abogado ng pamilya ni Machado, na nakatali ang mga kamay ng aktor sa likod ng kanyang ulo at may mga bakas sa leeg niya na indikasyong sinakal siya.
“It is with regret that I share the sad news of the passing of actor Jeff Machado, whose body was found with strangulation signs.
"This discovery confronts us with the cruelty present in our society, motivating us to seek truth and justice in the face of such impactful cases.
“Preliminary information indicates that the actor's body was found in a trunk, buried in a hole of considerable depth. This situation deeply saddens us and indignant in the face of the suffering faced by Jeff.
“My commitment as a lawyer is to seek tirelessly for truth and justice. It is my responsibility to ensure that everyone involved in this brutal crime is held accountable and punished, and that Jeff’s family finds the support they need to get through this very painful time,” opisyal na pahayag ng abogado ng pamilya Machado tungkol sa karumal-dumal na pagpaslang sa 44-year-old actor.
Tinutugis na ng mga awtoridad ang kaibigan ni Machado na pangunahing suspek dahil sa likod ng bahay na inuupahan niya sa Campo Grande natagpuan ang sementadong bangkay ng aktor.
Iniulat na nawawala si Machado mula pa noong January 27, 2023.
Isa si Machado sa mga artista ng Reis, ang soap opera na napapanood sa RecordTV, ang free-to-air-television network ng Brazil.
Ang nakapangingilabot na pagpatay kay Machado ang magpapaalala sa mga Pilipino tungkol sa malagim ding pagpaslang kay Ruby Rose Barrameda, ang kapatid ng aktres na si Rochelle Barrameda.
Read: PEP EXCLUSIVE: Family of Ruby Rose Barrameda-Jimenez cries for justice
Halos pareho ang paraan ng pagpapahirap na ginawa sa kanila—sinakal at binuhusan ng semento ang mga walang buhay na katawan nila para maitago ang karumal-dumal na krimen.
Iniulat na nawawala si Ruby noong March 14, 2007.
Makalipas ang dalawang taon, nakita ang kanyang sementadong bangkay sa loob ng steel case na itinapon sa karagatan ng Navotas City.

Lumitaw sa autopsiya na sinakal si Ruby Rose, na nakilala ng kanyang mga kamag-anak dahil sa damit at hikaw na suot nito.
Labing-anim na taon na ang nakalilipas mula nang dukutin at patayin si Ruby Rose, pero hanggang sa ngayon ay hindi pa nabibigyan ng hustisya ang bayolente at hindi makataong pagpaslang sa kanya.