Kaabang-abang ang live telecast ng Eat Bulaga! ngayong Martes, May 31, 2023.
Inaasahang isang mahalagang anunsiyo ang ipahahayag nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon sa Eat Bulaga!, ang longest-running noontime show sa Pilipinas.
Ayon sa mga mapagkakatiwalaang source, magsasalita ang tatlo sa ganap na alas-dos ng hapon upang bigyang-linaw ang mga matagal nang haka-hakang lilipat sa TV5 ang mga pioneer host ng Eat Bulaga!.
Nagkaroon na rin umano ng pag-uusap sa pagitan nina Tito, Vic & Joey at ng chairman ng TV5 na si Manny V. Pangilinan noong nakaraang linggo.
Ayon pa sa impormasyong nakalap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), naganap umano ang pirmahan ng kontrata sa pagitan ng magkabilang panig noong Lunes, May 29.
Ito ang dahilan kaya kailangan nang magpaalam nina Tito, Vic, at Joey sa Eat Bulaga! pagkatapos ng 44 taon.
Read: Tito, Vic & Joey magpapaalam na sa 'Eat Bulaga!'; paglipat sa TV5 "done deal na"?
Kahapon, May 30, inilabas ni Atty. Buko dela Cruz ng DivinaLaw firm ang kanyang larawan kasama ang tatlong hosts ng Eat Bulaga!.
Nilagyan niya ito ng caption na "EDC with TVJ-isang libo’t-isang tuwa, buong bansa… at hashtags na #EatBulaga #DynamicLawyering #DivinaLaw at #Titovicndjoey.
Ang social media post ni Atty. Dela Cruz ang nagbigay ng idea sa publiko na siya ang legal counsel nina Tito, Vic, at Joey.
Tumibay rin ang mga hinalang siya ang magiging kinatawan ng tatlo kung sakaling humantong sa korte ang usapin sa pagitan ng veteran TV hosts at ng Television and Production Exponents (TAPE), Inc., ang producer ng Eat Bulaga!.
Nagkaroon ng hidwaan ang dalawang kampo nang mawalan ng kapangyarihan si Tony Tuviera, ang business partner ni TAPE Inc. Chairman Romeo Jalosjos at matalik na kaibigan nina Tito, Vic at Joey, dahil pinagretiro ito.
Read: EXCLUSIVE Part 1: Tito Sotto drops bombs on those warring with 'Eat Bulaga!'
May mga naganap na pagbabago sa pamamahala at produksiyon ng Eat Bulaga! nang pumasok ang mga anak ni Jalosjos na sina former House Representative Romeo Jalosjos Jr., Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos, at Soraya Jalosjos.
Tinututukan ang mga susunod na pangyayari dahil kung matutuloy ang pag-alis nina Tito, Vic, at Joey sa Eat Bulaga!, tiyak na magkakaroon ito ng epekto sa kasalukuyang landscape ng Philippine television industry, lalo pa’t naging malaking bahagi ng buhay ng mga Pilipino mula pa noong 1979 ang nasabing programa.