PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tuviera Silent on TVJ; 'Eat Bulaga!' at APT Studios

Bagong 'Eat Bulaga!' sa APT Studios pa rin gagawin.
by Jojo Gabinete
Published Jun 1, 2023
tvj tony tuviera
Sa gitna ng isyu sa pagitan ng TAPE at Eat Bulaga! hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon ay hindi pa rin naririnig ang panig mismo ni Tony Tuviera (pangalawa sa kaliwa).
PHOTO/S: GMA News

Nang magpaalam sina former Senate President Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon sa TAPE Inc. noong Miyerkules, May 31, 2023, naglabas agad ng opisyal na pahayag ang GMA Network, ang tahanan ng Eat Bulaga! sa loob ng 28 taon.

Nagpahayag ng kalungkutan ang pamunuan ng Kapuso Network sa nangyari dahil may blocktime contract sa kanila ang TAPE.

Read: GMA Network, nalungkot sa pag-alis ng TVJ sa TAPE Inc.; may blocktime deal pa sa TAPE Inc.

Ngayong Huwebes ng hapon, June 1, ang TAPE management naman ang naglahad ng saloobin tungkol sa isyung gumulantang sa sambayanang Pilipino.

Sa nilagdaang pahayag nina Romeo “Jon” Jalosjos Jr. (TAPE Inc. president/CEO) at Dapitan City Mayor Seth Frederick (director for finance), sinabi nilang ang pamamaalam nina Tito, Vic, at Joey ay hindi dahilan para tumigil ang pag-ikot ng mundo kaya magpapatuloy sa telebisyon ang longest-running variety show ng bansa.

Read: TAPE Inc. issues statement on Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon's departure

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa gitna ng mga kaguluhang nangyayari, wala pang pahayag si Antonio “Tony” Tuviera, ang may-ari ng APT Entertainment at kasosyo sa TAPE Inc. ni Romeo Jalosjos Sr., ang major stakeholder sa TAPE.

Si Tuviera ang nasa sentro ng intriga dahil sa pagitan nila ni Jalosjos Sr. ang isyu. Siya na lamang ang hindi naglalahad ng kanyang panig kaya hinihintay ng mga sumusubaybay sa kontrobersiyal na usapin ang paliwanag niya.

Importanteng marinig ang mga sasabihin ni Tuviera dahil siya ang kinampihan nina Tito, Vic, at Joey nang pinagretiro siya ni Jalosjos Sr. at isalin nito ang pamamalakad sa TAPE sa anak na si Jon.

Read: FULL TRANSCRIPT: Tito Sotto reveals untold details about internal issues in 'Eat Bulaga!'

Nasaksihan ng publiko ang pagiging tunay na kaibigan ni Tito nang ito ang nagsalita at nagtanggol kay Tuviera, kahit ang TV executive ang dapat magdepensa sa sarili dahil silang dalawa ni Jalosjos Sr. ang mga pangunahing sangkot sa usapin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero maaaring panatalihin na lamang ni Tuviera ang pananahimik dahil napag-alaman ng Cabinet Files na lumipad siya sa Fukouka, Japan, noong Linggo, May 29, para magpahinga at makalayo umano sa matinding ingay at kaguluhang dulot ng mga sunud-sunod na pangyayari sa Eat Bulaga!.

Mga replay episode ng Eat Bulaga! ang napanood kahapon, ngayong Huwebes, at maaaring hanggang bukas, June 2.

Pero pinaghahandaan ng mga bagong namamahala sa programa ang live na pagbabalik nila sa telebisyon sa Sabado, June 3, para ipakilala ang mga pansamantalang ipapalit sa mga umalis na hosts.

Alam ng publiko na si Tuviera ang may-ari ng APT Studios, ang tahanan ng Eat Bulaga! kaya marami ang nagtatanong tungkol sa studio na pagtatanghalan ng programa.

Isang insider ang nagsabing may karapatan din ang mga Jalosjos sa APT Studios kaya mapapanood pa rin ang Eat Bulaga! mula sa studio na pag-aari ni Tuviera na hinihintay magsalita.

Kumbaga sa puzzle, siya na lamang ang missing piece para maunawaan ng publiko ang tunay na pinagmulan ng hidwaan ng mga personalidad na halos 44 taong nagsama sa hirap at ginhawa, pero naging malungkot ang pagwawakas ng kanilang pagsasamahan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa gitna ng isyu sa pagitan ng TAPE at Eat Bulaga! hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon ay hindi pa rin naririnig ang panig mismo ni Tony Tuviera (pangalawa sa kaliwa).
PHOTO/S: GMA News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results