PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TV5 Mandaluyong Gears Up for Noontime Show

It's Showtime, papayag kayang maging pre-programming ng TVJ show?
by Jojo Gabinete
Published Jun 6, 2023
Tito Sotto on Eat Bulaga war
From Kapamilya to Kapuso to Kapatid: Eat Bulaga! original hosts Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon are expected to make announcement tomorrow, June 7, that they have chosen TV5 as their new network.
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook

Sisimulan na ang renovation o pagsasaayos sa dalawang studios ng TV5 sa Reliance Street, Mandaluyong City, dahil ito ang magiging studio ng noontime show na panungunahan ng original Eat Bulaga! hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.

Kasama nila ang Dabarkads na tumiwalag din mula sa TAPE Inc. noong May 31, 2023: sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Allan K, Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon, at Maine Mendoza.

Read: Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers

Ang nalalapit na pagbubukas ng bagong noontime show ng TV5 ang dahilan kaya ililipat sa Novaliches studio ng Kapatid Network ang studio ng ilan sa kanilang mga programa, tulad ng Face 2 Face ni Karla Estrada.

Ang nakatakda at mabilisang pagsasaayos sa Reliance studio ng bagong noontime show nina Tito, Vic, at Joey ang kumpirmasyon ng matagal nang usap-usapang lilipat sila sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Tito, Vic & Joey magpapaalam na sa 'Eat Bulaga!'; paglipat sa TV5 "done deal na"?

Ito ay sa kabila ng pahayag ng dating Senate President na hindi pa "done deal" ang negosasyon nila sa management ng Kapatid Network dahil nakikipag-usap pa raw sila sa ibang mga TV station na may alok din sa kanila na pangtanghali na programa.

Read: Tito Sotto says transfer to TV5 not a done deal; other options on the table

Sa panayam niya kay Pinky Webb para sa CNN Philippines kahapon, June 5, 2023, ipinahayag ni Tito na hindi pa sila nakakapagdesisyon kung saang istasyon sila lilipat.

Pero bukas, June 7, na raw nila iaanunsiyo kung anong network ang napili nilang bagong tahanan.

Saad ni Tito, na siyang umatayong spokesperson ng TVJ, “We have yet to decide. We agreed among ourselves that by June 7 we will be ready to announce."

Inaasahang isisiwalat na niyang lilipat sila nina Vic, Joey, at Dabarkads sa TV5 dahil uumpisahan na nga ang renovation sa dalawang studio na pag-iisahin para lumawak at ma-accommodate o mapaunlakan ang live studio audience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inaabangan ang mga susunod na pangyayari dahil marami ang nagtatanong tungkol sa magiging kapalaran ng It’s Showtime, ang noontime program ng ABS-CBN na simultaneous na napapanood mula Lunes hanggang Sabado sa TV5, Kapamilya Channel, at A2Z.

Ayon sa isang reliable source mula sa Reliance studio, mapapanood na lamang uli ang It’s Showtime sa Kapamilya Channel at A2Z kapag pumasok na ang grupo nina Tito, Vic & Joey sa TV5.

Lumilitaw rin ang mga espekulasyong maaaring maging back-to-back ang show ng TVJ at ang It’s Showtime. Iyon ay kung papayag si Vice Ganda at ang mga kasama nitong ilagay sa 10 a.m. to 12 noon timeslot o gawing panghapon, mula 4 p.m. hanggang 6 p.m., ang kanilang programa.

Malalaman ang buong katotohanan at ang mga pagbabagong magaganap sa mga noontime show kapag nag-umpisa na ang TV show nina Tito, Vic & Joey sa TV5 na itatapat nila sa programang kanilang pinanggalingan, ang Eat Bulaga!.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
From Kapamilya to Kapuso to Kapatid: Eat Bulaga! original hosts Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon are expected to make announcement tomorrow, June 7, that they have chosen TV5 as their new network.
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results