Ang Will You Be My Ex? ang unang proyekto nina Julia Barretto at Bea Binene na magkasama, pero isa lamang ang eksena nila sa pelikula ng Viva Films na magbubukas sa mga sinehan sa June 21, 2023.
Kahit sandali lamang ang pagsasama nila, hindi raw malimutan ni Bea ang magandang ugali at kababaang-loob ni Julia na kanyang nasaksihan sa unang pagkakataong nagkita sila sa set ng Will You Be My Ex?.
Sabi ni Bea, “Ngayon lang ako nakapagtrabaho kasama yung actors from different networks because I got used to working with people from GMA-7. Noong una, nakakapanibago.
"It’s my first time working with Julia, but I’m actually grateful dahil ang warm ni Julia.
"Katulad ng sinabi niya, it was really bitin. Sana we had more time to talk and we had really more time to work with each other.”
Kuwento pa niya, “She’s really warm. Sana people know her like how I knew her. Ang gaan niyang kasama. Ang gaan niyang katrabaho.
“Hindi ko alam kung natatandaan niya ito, pero may na-appreciate ako na gesture niya. Di ba po ako, palagi kong kasama si Mama?
“She really went to my mom and [she said], ‘Hi Tita, ako po si Julia.’ And that I really appreciate.”
Sinabi naman ni Julia na mas marami pa sana ang mga eksena nila ni Bea, na gustung-gusto niya ang karakter na ginampanan nito sa kanilang pelikula.
“I wish I had done more scenes with Bea and had more shooting days with her. Si Diego [Loyzaga] at saka si Bea yung talagang nakapag-work together.
“We did one scene together but I feel like the energy, overall sa set, okay talaga, e. Everybody was so positive. Everybody got along and even meeting her for the first time, everything was just so natural.
“But, you know what, sobrang ganda ng role mo [Bea] kasi she’s so lovable. Parang mas gugustuhin ko na lang yung kayo ang magkatuluyan. Ganun kaganda ang role.
"You’re really gonna love Bea in this film. She really did it with so much justice," sabi ni Julia.