PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice, may mensahe sa 'It's Showtime' family

Vice Ganda: "Sa dami ng mga pinagdaanan natin, kering-keri na natin ‘to."
by Jojo Gabinete
Published Jun 20, 2023
vice ganda it's showtime
Vice Ganda: "Nakabibigla man ang mga nangyayari, sabi nga ng linya ko sa kanta natin, "Basta’t kasama Kapamilya, kahit ano pa ‘yan kayang-kaya! Sa dami ng mga pinagdaanan natin, kering-keri na natin ‘to. Naranasan na natin ang ma-torture, mabugbog, ilibing nang buhay. Ngayon pa ba! Tapik na lang ‘to!"
PHOTO/S: YouTube / Instagram

Sa mga host ng It’s Showtime, si Vice Ganda pa lamang ang nagbibigay ng pahayag sa mga pagbabagong nagaganap sa noontime shows buhat nang magpaalam sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon mula sa TAPE Inc. at paglipat ng mga pioneer host ng Eat Bulaga! sa TV5.

Ngayong Martes, June 20, 2023, isiniwalat ng ABS-CBN management na simula sa July 1, mapapanood na rin ang kanilang noontime program sa GTV.

Ang GTV ay free-to-air TV network na pag-aari at pinamamahalaan ng Citynet Network Marketing and Productions Inc., isang wholly owned subsidiary ng GMA Network.

Read: CONFIRMED: 'It’s Showtime' to transfer from TV5 to GTV

Ngayong Martes ng gabi, June 20, inilabas ni Vice ang bukas na liham nito para sa It’s Showtime family sa pamamagitan ng Instagram post.

Ito ang nilalaman ng kanyang post:

Dear It’s Showtime Family,

Alam kong nagulat kayo. Naguguluhan. Natatakot. Nalulungkot. Naiiyak.

Haaaaay! Hingang malalim. May kaguluhan at kabilisan ang mga ganap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ganunpaman, kalma lang (at least try). Nakabibigla man ang mga nangyayari, sabi nga ng linya ko sa kanta natin, "Basta’t kasama Kapamilya, kahit ano pa ‘yan kayang-kaya!"

Sa dami ng mga pinagdaanan natin, kering-keri na natin ‘to. Naranasan na natin ang ma-torture, mabugbog, ilibing nang buhay. Ngayon pa ba! Tapik na lang ‘to!

Madami mang walang kasiguruhan pero sigurado akong mahal tayo ng minamahal nating Madlang People. At ang pagmamahal na yun ang bumuhay sa’tin sa bawat paghihingalong naranasan noon. Ang puso ng Madlang People ang TOTOONG TAHANAN natin.

Kaya tuloy lang. Patuloy tayong magpasaya at magbigay ng pag-asa. Maniwala ka, "Ituloy lang ang sikap, sa dulo’y kikislap!"

Sa oras ng iyong panghihina at pagkalito ay sasamahan kita. Bubuhatin natin ang isa’t isa. Itataguyod kahit anong pagod. 'Di kita iiwan. Pahirin mo ang iyong luha. Itutuloy natin ang saya. Dito at doon. Damhin mo ang mahigpit kong yakap. Mahal na mahal kita!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Life is fascinating and makes you grateful. When it takes one thing from you it always replaces it with something else.

Sari-saring emosyon ang nararamdaman ni Vice dahil sa mga nangyayari sa kanilang programa na mapapanood na lamang sa TV5 hanggang June 30, at kinabukasan, July 1, matutunghayan na sa GTV.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi pa nagbibigay ng pahayag at reaksiyon ang ibang mga host ng It’s Showtime. Pero posibleng magsalita na sila kapag nangyari na ang sinabi ni GMA Network Inc. Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon na “We are happy to provide a home to It’s Showtime. We will have a big contract signing event soon.”

Tila sagot ito ng kampo nila sa malaking contract signing at media conference ng TV5 at ng original hosts ng Eat Bulaga! na naganap sa Kapatid Network Studio sa Mandaluyong City nitong Martes ng hapon, June 20.

Read: Manny V. Pangilinan says choosing TVJ over 'It's Showtime' "a purely business decision”

Inilabas naman ng ABS-CBN ang opisyal na pahayag tungkol sa kanilang pakikipagsanib-puwersa sa GTV, ilang oras bago idinaos ang mediacon ng TV5 .

Dahil dito, hindi mawawala ang mga pagdududang sinadya nila at hindi basta nagkataon lamang ang nangyari para mahati ang atensiyon ng publiko at makasali rin sila sa maigting na talakayan ng sambayanang Pilipino tungkol sa rigodon na nagaganap sa kasalukuyan sa mga noontime program.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda: "Nakabibigla man ang mga nangyayari, sabi nga ng linya ko sa kanta natin, "Basta’t kasama Kapamilya, kahit ano pa ‘yan kayang-kaya! Sa dami ng mga pinagdaanan natin, kering-keri na natin ‘to. Naranasan na natin ang ma-torture, mabugbog, ilibing nang buhay. Ngayon pa ba! Tapik na lang ‘to!"
PHOTO/S: YouTube / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results