PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ricci Rivero's Camp on Video Leak Suspicions

Kampo ni Ricci Rivero, ipinatanggol ang actor-basketball player.
by Jojo Gabinete
Published Jun 27, 2023
andrea brillantes ricci rivero leaked video
“Sinasabi ng mga taong hindi nagsasalita si Andrea tungkol sa isyu, pero siya ang kumuha ng video ng girl na pinagselosan niya. Kaya sino ngayon ang nag-leak sa social media ng video at mga screenshot ng babae na nakatapis lang ng tuwalya? Paano yon lumabas?” says a source close to Ricci Rivero.

Ang kanyang ex-girlfriend na si Andrea Brillantes ang itinuro ni Ricci Rivero na kumuha ng video ng babaeng nakatuwalya lamang sa condo unit ng actor-basketball player.

Sa kanyang interview sa Fast Talk With Boy Abunda noong Lunes, June 26, 2023, “her" ang sagot ni Ricci nang tanungin kung sino ang kumuha video na kumalat sa social media.

Ang nasabing video ang naging basehan ng mga nakikisimpatiya kay Andrea upang paratangan ng pagtataksil si Ricci, at siyang dahilan ng paghihiwalay ng dalawa.

“Ang cause ng breakup, yung speculations na kumakalat sa social media na may nakita siyang girl dun sa place ko.

"Pero ilang beses po naman naming pinag-usapan ito. Sobrang daming beses.

"Sinabi ko sa kanya, with all the evidences I have, na hindi sa akin yung girl.

"May papuntang friend akong midnight, tapos hindi ko naman alam na may kasama siya. Yun ang inabutan niya [Andrea],” paliwanag ni Ricci sa panayam sa kanya ni Boy Abunda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ricci Rivero breaks silence on breakup with Andrea Brillantes

Pero ayon sa isang malapit kay Ricci, hindi kumpleto ang kuwento ng actor-basketball player sa Fast Talk.

Nakipag-ugnayan ang source sa Cabinet Files upang ilahad ang kanyang nalalaman tungkol sa video na nag-leak sa social media at ginagamit laban kay Ricci.

Ayon sa source, hindi magagawa ni Ricci na magdala ng babae dahil anumang oras ay maaaring pumunta si Andrea dahil may access ito sa condo unit ng dating nobyo.

Saad nito, “Tulog si Ricci and his friends when Andrea arrived sa condo unit niya. Nasa iisang room lamang sila.

“Bakit magdadala si Ricci ng babae sa bahay niya when he knows that Andrea has access to his place anytime?

“Hindi nabanggit ni Ricci sa interview sa kanya ni Boy na hindi lamang siya ang tao sa condo unit niya. Naroroon din ang guy na kasama ng girl na pinagselosan ni Andrea, at nandoon din ang isa pang guy nang dumating siya [Andrea]."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Andrea Brillantes on breakup with Ricci Rivero: "Nagmahal ako nang totoo, hindi ko yon male-let go agad-agad."

Nang dumating daw si Andrea ay naka-ready na ang camera ng cellphone nito. Kinunan daw nito ng video ang babae, na lumabas nang nakatapis lamang ng tuwalya matapos piliting buksan ng aktres ang pinto ng comfort room kung saan ito naliligo.

“Sinasabi ng mga taong hindi nagsasalita si Andrea tungkol sa isyu, pero siya ang kumuha ng video ng girl na pinagselosan niya. Kaya sino ngayon ang nag-leak sa social media ng video at mga screenshot ng babae na nakatapis lang ng tuwalya? Paano yon lumabas?” nagtatakang sabi pa ng source.

Read: Ricci Rivero confirms breakup with Andrea Brillantes amid cheating allegations

Hindi makikita sa leaked video at screenshots ang mukha ng babae, na hindi pa lumalantad at nagsasalita para ipagtanggol ang sarili laban sa akusasyon sa kanya.

Kung tutuusin, may karapatang magreklamo ang babae na nagtakip na lamang ng mukha dahil sa pagkuha ni Andrea ng video habang siya ay nasa compromising situation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang malapit na kaibigan ni Andrea naman ang nagsabi sa Cabinet Files na tanggap ng nahimasmasang young actress na nagkamali ito sa kanyang ginawa. Kumbinsido rin daw itong hindi ang babaeng pinagselosan niya ang tipong magugustuhan o papatulan ni Ricci, pero higit na nangibabaw ang panibugho sa kanya.

Sa ngayon ay hindi pa nagsasalita si Andrea kaugnay ng mga pahayag ni Ricci sa panayam nito sa Fast Talk With Boy Abunda.

Read: Andrea Brillantes and Ricci Rivero relationship timeline

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Sinasabi ng mga taong hindi nagsasalita si Andrea tungkol sa isyu, pero siya ang kumuha ng video ng girl na pinagselosan niya. Kaya sino ngayon ang nag-leak sa social media ng video at mga screenshot ng babae na nakatapis lang ng tuwalya? Paano yon lumabas?” says a source close to Ricci Rivero.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results