Sa kabila ng pagiging multi-awarded actor, nakararamdam ng kaba si Aga Muhlach sa nalalapit na pagsisimula ng shooting sa Baguio City ng Forgetting Canseco, ang pelikulang pagtatambalan nila ni Julia Barretto sa kauna-unahang pagkakataon.
Read: Julia Barretto, di makapaniwalang makakapareha sa pelikula si Aga Muhlach
Sabi ni Aga, “Siya [Julia] kasi, ninenerbiyos siya, ninenerbiyos din ako. Nakakanerbiyos naman talaga dahil hindi naman parati akong gumagawa ng pelikula.
"So, parang this is my first movie after Miracle in Cell No. 7 in 2019.
“At the end of the day, we are actors. We’ll just do the film and we set aside everything.”
May pinanggagalingan ang nerbiyos ni Aga dahil bukod sa apat na taon na ang nakalilipas mula nang gawin niya ang Miracle in Cell No. 7, na topgrosser sa Metro Manila Film Festival 2019, ngayon lamang niya makakatrabaho si Julia sa isang pelikula.
“Ngayon lang uli ako gagawa ng pelikula, at alam niyo naman kung gaano kalapit sa puso ko ang paggawa ng pelikula more than anything.
“When this movie was offered sa akin, sabi sa akin with Julia, sabi ko, ‘Wow!’
“Salamat naman. It’s really, as an actor, it’s a blessing to be offered and to be able to work and experience Julia at this point in time sa buhay ko.
“Like she said, there’s nothing but gratitude and I’m nervous also. Nervous because love story, e,” saad ni Aga.
Tinanggap daw ni Aga ang proyekto dahil kasing-edad niya ang karakter na kanyang gagampanan sa Forgetting Canseco.
“I play my age. We’re not of the same age, of course, so I feel my age then we do movie. So it’s her age and my age, then the rest, abangan ninyo na lang.
“Pinag-uusapan naman namin ni Direk kung ano yung tamang timpla because in reality, it happens, there’s no issue in love.
“There’s none. There’s no age, we do a nice movie then people will watch it. I will make sure that they get entertained,” lahad ni Aga.
Read: Kris Aquino reveals breakup with Mark Leviste
Nilinaw ng aktor na hindi tungkol sa May-December affair ang kuwento ng pelikulang gagawin nila ni Julia dahil ipakikita sa Forgetting Canseco na normal ang pagmamahalan ng mga tao, kahit malaki ang agwat ng kanilang mga edad.
Sinang-ayunan ito ng direktor at writer ng Forgetting Canseco na si Denise O'Hara.
Aniya, “Nandoon naman na tayo sa point ngayon sa society natin na we’re normalizing all kinds of love and the more you pay attention to May-December, the more na hindi nagiging normal kasi normal relationships don’t have to label it like that.
“So, isa sa vision namin is we normalize all kinds of love because it’s love.”
Ayon kay Direk Denise, si Aga ang pinili niyang bida dahil, "Wala naman ibang romantic lead na kayang gumawa nito except Aga Muhlach."