Si Iván Álvarez ng Spain ang nagwagi sa Mister Supranational 2023 na ginanap noong Sabado, July 15 (Linggo ng madaling-araw, July 16 sa Pilipinas) sa Strzelecki Park Amphitheater sa Nowy S?cz, Poland.
Tatlumpu’t tatlong kandidato mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang tinalo ng 29-year old industrial engineer na kauna-unahang Mister Supranational titleholder mula sa kanyang bansa.
READ: Pauline Amelinckx bags first runner-up in Miss Supranational 2023; Ecuador wins
First runner-up ni Álvarez si Henrique Martins ng Brazil, second runner-up si Luca Derin ng Netherlands, si Lee Yong-woo ng South Korea ang third runner-up at pang-apat ang puwesto ni Daniel Mbouda ng Cameroon.
READ: Pauline Amelinckx: "I am immensely proud of our victory."
Si Johannes Rissler ang kinatawan ng Pilipinas sa 7th Mister Supranational. Hindi man siya pinalad na magkaroon ng puwesto, kabilang ang 24-year old model at aspiring actor sa Top 20 candidates.
Nag-umpisa ang Mister Supranational pageant noong December 2016 sa Poland at nananatiling mailap ang korona nito sa mga pambato ng Pilipinas.
Mula 2016 hanggang sa kasalukuyan, hindi na umabante o nakaalis mula sa puwesto ng Top 20 ang mga kandidato ng ating bansa sa nasabing patimpalak para sa mga kalalakihan na katapat ng Miss Supranational, ang beauty pageant para sa mga kababaihan.
Idinaos din ito sa Poland noong July 14, 2023 at si Pauline Amelinckx ng Pilipinas ang hinirang na first runner-up.