PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Atty. Guanzon Reacts to Claudine's Lawsuit Threat

Atty. Rowena Guanzon: "Asawa ba siya? Ina? OA naman."
by Jojo Gabinete
Published Jul 17, 2023
atty. rowena guanzon on claudine and sabrina
Atty. Rowena Guanzon (left) on Claudine Barretto's (center) threat to sue Sabrina M. (right): “Paano magkaso si client ni Topacio kay Sabrina M, wala naman siyang standing? Asawa ba siya? Ina? OA naman."
PHOTO/S: Twitter / Instagram / Noel Orsal

Nakisali na rin si former Comelec Commissioner at incumbent P3PWD Party-List Representative Atty. Rowena Guanzon na sumali at magkomento tungkol sa isyung kinasasangkutan ng dating sexy star na si Sabrina M. at ng aktres na si Claudine Barretto.

Nagbigay sa reaksiyon si Guanzon dahil sa pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio sa panayam nito sa radio program ni Cristy Fermin noong Huwebes, July 13, 2023.

Sinabi ni Topacio na sasampahan niya ng kaso si Sabrina kapag hindi ito humingi ng public apology kay Claudine at sa naulilang pamilya ni Rico Yan.

Read: Sabrina M. sticks to claim about relationship with Rico Yan: "Wala pong apology na magaganap."

Ipinakilala ni Topacio ang sarili bilang kaibigan at legal counsel ni Claudine kaya siya ang magdedemanda kay Sabrina dahil sa pag-ako nitong nagkaroon umano sila ng relasyon ni Rico noong nabubuhay pa ang aktor.

Read: Sabrina M. reveals secret relationship with Rico Yan: "After Claudine, naging kami, umabot din ng taon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsalita si Topacio na libel ang reklamo na maaaring isampa ni Claudine laban kay Sabrina dahil sa "karimarimarim" at "karumal-dumal" na pagsisinungaling umano nito.

Iginiit ni Topacio na imposible ang mga sinabi ni Sabrina dahil kahit naghiwalay noong December 2001, nagsasama pa rin sina Rico at Claudine sa iisang bubong—sa LPL condominium building sa Greenhills, San Juan City—hanggang sa mamatay ang aktor noong March 2002.

Hindi napigilan ni Guanzon na magbigay ng opinyon tungkol sa kontrobersiyal na usapin sa pamamagitan ng kanyang mga tweet nitong Lunes ng hapon, July 17, 2023.

Tanong niya: “Paano magkaso si client ni Topacio kay Sabrina M, wala naman siyang standing? Asawa ba siya? Ina? OA naman.

“Tending to blacken the memory of one who is dead with intent to provoke the living.

“Ang tanong naman diyan, sino naman ang may karapatan mag-file ng libel? Asawa ba siya? Kapatid, anak o ina ba siya o hindi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung hindi, hindi siya puwedeng siya ang magsampa ng kaso. Ang tawag dun, wala siyang standing.

“Wala kang karapatan. Sa true lang.

"Mahirap na yung maniwala tayo sa mga paastig-astig lang na mga abogado.”

Nag-post din si Guanzon ng video sa kanyang Twitter account:

Read: Lawyer says Sabrina M "will not issue a public apology"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dati nang may isyu si Atty. Guanzon laban kay Atty. Topacio kaya umabot na sa korte ang kanilang personal na alitan.

Noong August 2020, nagsampa ng kasong unjust vexation si Guanzon laban kay Topacio dahil sa diumano’y pagsasabi nitong may Alzheimer’s Disease na si Guanzon tulad ng kanyang namayapang ina.

Noong June 2022, naghain si Guanzon ng disbarment case sa Integrated Bar of the Philippines laban kay Topacio dahil sa defamatory online comments at panghihiya umano nito sa kanyang pagkatao.

Noong February 2023, indirect contempt naman ang petisyon na dinala ni Topacio sa Supreme Court laban kay Guanzon dahil inihayag nito sa publiko ang disbarment case na isinampa laban sa kanya.

At ngayon, inaasahang muling mabubuhay ang pagsasagutan nina Guanzon at Topacio sa social media bunga ng reaksyon ng kontrobersiyal na lady lawyer tungkol sa pinagpipistahan ng publikong isyu sa pagitan nina Claudine at Sabrina.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Atty. Rowena Guanzon (left) on Claudine Barretto's (center) threat to sue Sabrina M. (right): “Paano magkaso si client ni Topacio kay Sabrina M, wala naman siyang standing? Asawa ba siya? Ina? OA naman."
PHOTO/S: Twitter / Instagram / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results