Atty. Ferdinand Topacio hindi raw umepal sa pag-anunsiyo ng panganganak ni Anne Curtis

by PEP Troika
Mar 7, 2020
Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, "walang malisya" ang tweet nito na nag-anunsiyo ng panganganak ni Anne Curtis. Gayunpaman, nag-apologize ito.
PHOTO/S: File/ @annecurtissmith on Instagram

GORGY RULA

Humingi ng paumanhin si Atty. Ferdinand Topacio sa mag-asawang Erwan Heussaff at Anne Curtis dahil siya ang nag-break sa Twitter ng tungkol sa panganganak ni Anne noong nakaraang March 2.

Tinawagan namin si Atty. Topacio sa radio program namin sa DZRH nitong gabi ng Marso 6, Biyernes, para hingan ng reaksiyon sa tila pasaring ni Erwan sa social-media post nito kahapon tungkol sa anak nila ni Anne.

Binigyang-detalye ng abugado ang nakuwento nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong araw na nanganak si Anne.

Ang sabi ng abugado, may meeting sila ng kliyente niyang si Mr. Alex Cruz noon ding March 2. Si Mr. Cruz ang nagmamay-ari ng Xentro Malls.

Pagkatapos ng meeting ay nakisakay siya sa kotse ni Mr. Cruz pabalik sa opisina niya.

Sabi raw sa kanya ni Mr. Cruz, dadaan lang siya sandali sa supplier ng feeds niya, na si Nico Bolzico pala yun.

Si Nico ay brother-in-law ni Erwan at asawa ng aktres na si Solenn Heussaff.

Continue reading below ↓

Pinababa lang daw siya sandali para ipakilala siya sa Argentinian businessman.

Nag-congratulate daw siya kay Nico dahil sa baby girl nila ni Solenn, at doon daw nabanggit ni Nico na kapapanganak lang ni Anne sa Australia "an hour ago."

Ang kuwento ni Atty. Ferdie, “Around 15 minutes, umalis na rin ako. Nag-tweet ako na, ‘Congratulations, Erwan and Anne,’ nilagay ko dun ‘it’s a girl,’ may balloons at heart pa na emoji.

“Akala ko kasi for public consumption yung news. Akala ko, alam na.

“And then, what I did was, tinawagan ko po ang isang malapit sa akin na showbiz writer, si Mr. Ricky Lo.

“Sabi ko, ‘Idol Ricky, nanganak na pala si Anne, it’s a girl.’ Wow! Sabi ko, 'Ang saya, buti pa siya, wala akong girl.'

“Sabi ni Ricky, ‘Ha? Nanganak na ba? Hindi ko alam, e.’ Pinost na ni Ricky, and then napasa na niya kay Jojo Gabinete, and then tinawagan na rin ako ni Nanay Cristy [Fermin],” patuloy niyang kuwento.

Continue reading below ↓

“Pagkatapos nun, tumawag sa akin si Mr. Cruz, sabi niya, ‘Partner, hindi pa pala naglabas ng official statement si Anne or si Erwan. Confidential pala yun.’

“Sabi ko, ‘Oh, my God, papaano iyan?’ My apologies kako, hindi naman niya sinabing confidential. Kung sinabi niyang off the record, e, gagalangin naman natin iyan siyempre.

“E, kung sinabi niya, ‘Atty, it’s just between us,’ hindi naman ako magsasalita.”

Binanggit na rin namin sa kanya ang tungkol sa post ni Erwan.

Aniya, “Unang-una, wala namang masama doon sa sinabi natin. Hindi naman kuryente yun, totoo naman yun.

“Pangalawa, wala naman tayong malisya roon. Hindi naman natin gustong pangunahan sila or yung i-spoil yung kanilang opportunity na sila ang unang mag-break.

“Hindi naman natin sinasadya yun para umepal tayo o magmagaling or makialam.”

Nag-sorry na rin uli si Atty. Topacio.

“Humihingi na lang po ako ng paumanhin sa mga nagulat, at hindi po natin sinasadya kung ano man ang ating perwisyong nagawa. It’s the furthest [from] my mind. Wala akong malisya doon,” seryosong pahayag ni Atty. Topacio.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Mabuti at nagpakumbaba si Atty. Topacio. Huwag na sana itong gawing big deal ni Erwan. Good vibes na lang sana. Iwas-negatron!

NOEL FERRER

Ang lagi kong sinasabi, iwas-nega, take the high road, lalo na if you are coming from a good place. Wag na lang sanang mauulit para mayroon tayong natutunan sa nangyari.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, "walang malisya" ang tweet nito na nag-anunsiyo ng panganganak ni Anne Curtis. Gayunpaman, nag-apologize ito.
PHOTO/S: File/ @annecurtissmith on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results