Thirty years old na si Jeric Gonzales at, ayon sa kanya, handa na siyang bumuo ng sariling pamilya.
Ang kasintahang si Rabiya Mateo na raw ang babaeng nais niyang makasama sa habambuhay, pero sa ngayon, magtatrabaho at mag-iipon muna sila para sa kanilang kinabukasan.
Read: Jeric Gonzales on Rabiya Mateo being 'the one': "I believe so."
Nilinaw ni Rabiya na nagbibiro lang si Jeric nang sabihin nitong pera ang kanilang madalas pinagtatalunan dahil nag-alala siyang baka maniwala ang mga nakapanood sa guesting nila sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Huwebes ng hapon, July 20, 2023.
Natatawa ring sinabi ni Rabiya na madalas may halong "green jokes" ang katuwaan nila ni Jeric.
Marami ang natawa sa kanyang sagot na “puwet” ang sexiest part ng katawan ng boyfriend niya at "madaling-araw" ang best time for happiness para sa kanila.
“Hindi ko talaga natiis, hindi ko siya natiis. Ibig sabihin, true love talaga yon,” pahayag ni Jeric sa interbyu sa kanya ni Boy Abunda tungkol sa desisyon niyang balikan si Rabiya noong unang beses silang naghiwalay.
Read: Jeric Gonzales, kinumpirmang nagkabalikan sila ni Rabiya Mateo
Nang kumustahin ni Boy ang kanilang mga showbiz career, sabi ni Rabiya, “Yung career namin, individual talaga. Hindi kami as a love team.
"I think that’s the beauty in it kasi since hindi kami magkasama sa work, pagdating sa bahay, parang siya ang pahinga ko.”
Tanong naman ni Boy kay Jeric, “Kung pahinga ka ni Rabiya, ano siya sa yo?"
“Sa kanya ako napapagod,” ang walang kamali-malisya na sabi ni Jeric kaya natawa ang lahat ng mga tao sa studio ng Fast Talk with Boy Abunda.
Hindi maipagkakailang matindi at malalim na ang pagmamahalan nina Jeric at Rabiya dahil hawak nila ang kamay ng isa’t isa mula sa umpisa hanggang sa katapusan ng panayam sa kanila ni Boy.
Read: Rabiya Mateo and Jeric Gonzales: A relationship timeline
Komportable nang makakadalo sina Rabiya at Jeric sa GMA Gala Night na gaganapin sa Marriott Hotel, Pasay City, sa Sabado, July 22, dahil hindi na nila inililihim ang kanilang relasyon.
Noong nakaraang taon, dumalo ang dalawa sa GMA Gala Night pero magkahiwalay silang dumating dahil itinatago pa nila sa publiko ang kanilang pagmamahalan.
Nang makausap ng Cabinet Files sina Rabiya at Jeric kanina, ikinuwento ng dating beauty queen na Jot Losa gown ang gagamitin niya, at Mark Bumgarner suit naman ang isusuot ni Jeric sa GMA Gala Night sa darating na Sabado.
Read: GMA-7’s power couples and prized stars, It’s Showtime main hosts attending GMA Gala 2023