Nakarating sa kaalaman ni Sabrina M. ang apela ng ina ni Rico Yan na si Sita Yan na huwag nang gamitin ang pangalan ng anak nito sa mga isyu dahil “unfair at disrespectful” ito sa alaala ng pumanaw na aktor.
Read: Rico Yan's mom breaks silence on “unfair, disrespectful" claim about late actor
“I respect that po. Malaki po ang respeto ko sa pamilya ni Rico,” sagot ni Sabrina nang itanong ng Cabinet Files kung nabasa niya ang panawagan ng ina ni Rico.
Nagpahayag naman ng pagtataka si Sabrina M. tungkol sa kumakalat na balitang sasampahan niya ng kaso si Claudine Barretto, ang dating kasintahan ng yumaong aktor.
Read: Sabrina M. sticks to claim about relationship with Rico Yan: "Wala pong apology na magaganap."
Saad niya, “Saan daw kaya nanggaling yung issue na si Claudine, e, kakasuhan ko?
“Wala naman pong grounds para kasuhan ko si Claudine kasi wala naman siyang ginagawa or any statement.
"So, hindi po totoo yung kay Claudine. False information po yan.
“Masyado nilang pinalalaki yung sa amin ni Claudine. Wala naman dapat isyu dahil tahimik naman siya.
“No comment nga po siya, di ba? Kaya nagtataka ako saan galing ang issue na yan.
"Ang sa akin lang, huwag na nila masyadong palakihin at gatungan ang isyu.”
Read: Claudine Barretto, nagpasalamat kay Katrina Paula "for telling the truth"
Nagpahiwatig si Sabrina na itutuloy nito ang pagsasampa ng reklamo laban sa mga humuhusga nang husto sa pagkatao niya dahil sa kanyang nakaraan.
Apat na abogado na mga miyembro ng Knowledge Advocate of Volunteer Lawyers ang tumutulong sa kasalukuyan kay Sabrina sa anumang asunto na puwedeng kaharapin o isampa ng aktres dahil sa resulta ng kanyang rebelasyon tungkol sa namagitan noon sa kanila ni Rico.
Read: Lawyer says Sabrina M "will not issue a public apology"

Sabrina M. with Knowledge Advocate of Volunteer Lawyers
“Ang group of lawyers na yan ang tumutulong sa mga PDL [Persons Deprived of Liberty].
"Umiikot sila sa buong Maynila para hawakan nang libre ang mga kaso ng PDL. May mga jail visitation sila at kasama nila ako.
“Itong isyu na kinasasangkutan ko ay pagpapahiya sa aking bilang dating nakulong o PDL. Nakakaranas ako ngayon ng discrimination at hinihiya sa publiko dahil sa dating kaso ko.
“Ang ginagawa ko ngayon ay laban na rin para sa mga PDL dahil hindi kami dapat hinuhusgahan at hindi dapat ipinamumukha sa publiko ang kaso namin para pagtawanan kami at uriin,” paliwanag ni Sabrina tungkol sa desisyon niyang lumapit at humingi ng tulong mula sa Knowledge Advocate of Volunteer Lawyers.