Fake or edited ang kumakalat na larawan ni Ricci Rivero na nagpapakita sa kanya na naka-pose sa harap ng washing machine at may mga maruruming labada sa kanyang paligid.

Kinuha lamang ito mula sa Instagram post niya noong January 2018 at niretoke para maging katatawanan siya at paglaruan ng mga taong naniniwala sa sinabi ni Andrea Brillantes sa isang interbyu na “Iiyakan ko yung lalaking hindi nagpapa-laundry ng isang taon?”
Read: Alden Richards, excited makita lahat ng Kapuso stars sa GMA Gala 2023

Hindi na pinatulan ni Ricci ang mga kontrobersiyal na pahayag ng kanyang ex-girlfriend dahil kahit wala umanong katotohanan ang mga paratang, alam niyang hindi matatapos ang mga isyu tungkol sa kanilang paghihiwalay kung sasagot pa siya.
Huling nagsalita si Ricci tungkol sa kinahinatnan ng pakikipagrelasyon nito sa panayam sa kanya ni Isko Moreno sa YouTube show nito na Iskovery Night, pero hindi na niya binanggit ang pangalan ng dating kasintahan.
Nang magtanong si Isko tungkol sa mga batikos na natatanggap niya, hindi na raw naaapektuhan si Ricci.
Saad niya, “Nasanay na rin talaga ako. Unang-una, hindi naman talaga nila alam kung ano yung mga nangyari, kung ano yung totoo.
“Okay kung puwedeng may marinig silang isang side, yun lang naman yung alam nila. Hindi naman lahat.
"So, yung sa akin, siguro hahayaan ko na lang sila kung anuman yung sinasabi nila."
Dagdag pa niya, “Marami rin naman ang umaabuso and, yung mga ganoon, puwedeng hayaan na natin dun sa legal team natin.
"Or kung may legal team ka, Mayor, puwedeng pahiram po ako,” biro pa niya.
Read: Ricci Rivero confirms breakup with Andrea Brillantes amid cheating allegations
Makahulugan naman ang sagot ni Ricci sa sumunod na tanong sa kanya ng Eat Bulaga! host: "For the sake of conversation, anong tipo ng babae mo?"
“Matured,” mabilis na reaksiyon ni Ricci.
Sa pisikal?
“Simple, family-oriented at may takot sa Diyos,” sabi ni Ricci.