Nabuo ang pagkakaibigan nina Bea Alonzo at Jeric Gonzales nang magkasama sila sa Start-Up PH na napanood sa GMA-7 mula September 26, 2022 hanggang December 23, 2022.
Nasaksihan ni Bea ang pagsusumikap ni Jeric na maging mahusay na aktor kaya kinagiliwan niya ang kanyang Start-Up PH co-star.
Dahil malapit sila sa isa’t isa, hiningi ng Cabinet Files ang reaksyon ni Jeric tungkol sa marriage proposal kay Bea ng boyfriend nitong si Dominic Roque na naganap noong July 18, 2023.
Read: Bea Alonzo and Dominic Roque engaged!
Pahayag ni Jeric, “Masayang-masaya ako for Bea. I know kung gaano siya kasaya ngayon and deserve niya ang lahat ng happiness na natatanggap niya.
“I’m really excited sa kanila ni Dom. They’re a perfect match and they really found each other talaga.
“I would love to witness their wedding soon. I am super happy for them and good luck sa kanilang bagong journey together.”
Laman din ng mga balita si Jeric nitong mga nagdaang araw dahil sa sinabi niya sa guesting nila ni Rabiya Mateo sa Fast Talk with Boy Abunda na "napapagod" siya sa kanyang girlfriend na itinuturing naman siya na "pahinga."
Read: Rabiya Mateo, sinabing si Jeric Gonzales ang "pahinga" niya sa trabaho
“I think that’s the beauty in it kasi since hindi kami magkasama sa work, pagdating sa bahay, parang siya ang pahinga ko,” sabi ni Rabiya sa host na si Boy Abunda.
Tanong naman ni Boy kay Jeric, “Kung pahinga ka ni Rabiya, ano naman siya sa yo?”
Pabirong sagot ng aktor, “Sa kanya ako napapagod.”
Coincidentally, hindi nagkakalayo ang mga pahayag nina Rabiya at ni Dominic, ang fiancé ni Bea. Kapwa nila ginamit ang mga salitang "pahinga" tungkol sa wagas na pagmamahal sa kanilang mga karelasyon.
Sa proposal video na ginawa at ibinahagi ni Dominic sa publiko, nagbitaw siya ng pangako kay Bea na “Ako ang magiging pahinga mo sa mundong magulo at maingay.”
Read: Dominic Roque to Bea Alonzo: “I want to spend my whole life with you, forever.”